The Greatest Liar

Start from the beginning
                                    

 

 

Siya ang mahal ni Xander. At kahit anong gawin ko, kaibigan lang ang turing niya sa akin.

 

 

"Sige Savannah. Magsumbong ka. Sa tingin mo ba, paniniwalaan ka ni Daddy o ni Xander? Ikaw lang ang magmumukhang tanga sa gagawin mo Vannie." Pag uyam niya pa sa akin. Napangiwi ako.

 

 

Dad would only think na nagsisinungaling ako. Si Sabina ang paborito nitong anak at laging tama para sa kanya. Xander would not believe me eventhough I am his bestfriend dahil mas mahal niya si Sabina. Kahit saang anggulo ako tumingin, sa laro na ito, ako ang talo sa amin ng kakambal ko.

 

 

"Napasok mo na ba sa makitid mong utak Vannie? Kahit anong gawin mo, ako ang pipiliin ng lahat, and you my dear sister.. you will always be my substitute.."

 

 

I turned around and walked away. Tama si Sabina. Lagi lamang akong pangalawa pagdating sa lahat ng nakapaligid sa aming dalawa.

 

 

 

 

 

 

"Huy!! Vannah!! Savannah!!"

Napalingon ako kay Pier. Bigla ba naman akong sigawan habang naka skype kami.

"Ano ka ba Pier, baka magising yung mga bata!" I hissed at him saka tinitigan ang dalawang tulog na tulog na.

"Gusto mo, ilapit ko sa kanila yung laptop?" Ericka asked me. tumango na lang ako. Tumayo siya and focused the laptop to my babies. Nagtubig ang mga mata ko when I saw the two of them holding each other's hands. Sandro's arms are around Alexa and they were sleeping so soundly.

"Pag malaki na si Sandro, ipapa plastic surgery ko siya Vannie." Pier said. It caught my attention. Ibinalik ni Ericka ang laptop and she also looked at him.

 

"At bakit naman ha?" I asked him. Ngumuso siya.

 

"Kasi kamukhang kamukha siya ng halimaw niyang ama. Hindi pwede yun---ARAY!!" Ericka hit Pier on the head. Natawa na lang ako pero pinalakihan ko sila ng mata ng makita kong gumalaw ng kaunti si Sandro.

"Ano ba!! Ang ingay niyong dalawa! Pagbuhulin ko kayo eh."

Sabay lang silang nag peace sign. Napangiti na lang ako pero nabura ito ng sumeryoso si Ericka.

"Hindi mo ba sasabihin sa kanya?"

Tumingala ako.

 

"Ang alin?"

"About the kids." Simple niyang sagot. Hinila naman ni Pier ang buhok niya.

 

"Ericka Sandoval!! Anong sinasabi mo?!" he hissed. Ericka just rolled her eyes.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now