Chapter 27

49 0 2
                                    

DANE'S POV

Nagising ako sa susunod na vibe sa akin ni Kenzo. Tinignan ko ang smartwatch ko. 8AM PST. Siguro nasa airport na sila dahil 10AM PST ang flight nila. 2AM MNL Time. 12 Hours ang itatagal ng flight kaya 10PM ay nandito na sila.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang mga chat sa akin ni Ken

Kenzo Lacsamana:

30 minutes ago yung tawag niya at mga chat niya.

1st message: Dane.

You missed a call from Kenzo Lacsamana

2nd message: Dane! Answer the phone.

3rd message: ANSWER THE GODDAMN PHONE DANE!

Anong problema nito? Siguro nag notify na sakanya na na-seen ko na ang chat niya kaya nag chat sa ulit, napatayo ako sa sinend niyang picture.

Picture ng Emergency Room.

Wtf?

Anong nangyari? Tinawagan ko ito.

Puta! Kung kailan naman ako ang tumatawag tsaka hindi sumasagot. Pinindot ko ulit ang call button.

Lumabas ako ng kwarto dahil ayokong magising si Ali. Kinakabahan ako. Anong nangyari? Tangina ni Kenzo! Ayaw sumagot!

Bumaba ako ng sala para hindi niya ako lalong marinig kung sakaling sumagot si Ken. Ayoko siyang bigyan ng isipin. Hindi makakabuti sa kanya.

Sumagot si Kenzo sa huling tawag na ginawa ko.

[Dane...] nanginginig ang boses niya sa kabilang linya

Anong nangyari pre? Ano yung picture na sinend mo sakin?

Naririnig ko ang palahaw ng iyak ni Mama Mae sa kabilang linya.

[Dane si Xander...] anong nangyari kay Xander?

Anong nangyari Ken?!!

Kakaiba ang kalabog ng dibdib ko

Ken, si Mama ba yun? Sumagot ka naman kingina!

[Si Xander, pre. Nabaril...]

Parang may malakas na matining na tunog ang namayani sa tenga ko. Ilang segundo akong nablangko.

Paano nangyari? Bakit?

Napahilamos ako ng mukha. Hindi ko alam kung paano at ano ang sasabihin ko kay Ali. Wala siyang alam na pupunta dito ang mga kapatid niya at kapag nalaman niya na sa despidida nangyari yun... magagalit siya sa akin.

[Dane, the doctors are trying to win him back.]

WIN HIM BACK? WTF? Anong ibig sabihin ni Kenzo?

Anong ibig mong sabihin? Anong win him back Kenzo?!

Inis na inis na ako.

[Wala ng heartbeat si Xander nung dinala dito. Tumawag sakin si Blake pre dahil siya ang tinawagan ni Angelo... nasa presinto na sila Angelo kasama si Blake para magbigay ng statements.] nanginginig na paliwang ni Kenzo sa akin.

Pakiramdam ko ay nauubos ang dugo ko sa nerbyos sa mga kinukwento ni Ken.

Ken please tell the doctors to do everything they can... hindi pwede pre. Hindi to pwedeng mangyari!!!

"What's wrong baby? Sinong kaaway mo?" Nanigas ako ng marinig ko kung kaninong boses yun.

Kinalma ko ang sarili ko bago siya lingunin. Agad agad kong pinatay ang phone ko.

One True Love R18 (ON GOING)Where stories live. Discover now