Chapter 14

52 2 1
                                    

DANE'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Tss. Sa sobrang pagod ko ay nakalimutan kong ibaba ang kurtina sa kwarto ni Hubert. Napangiti ako sa nangyari kagabi. Tuwing sinasambit ko na sobrang mahal ko siya ay ganoon din ang sagot niya.

Nilingon ko ang kanan bahagi ng kama para silipin siya. Laking gulat ko na wala na siya doon. Napabalikwas ako ng tayo. Agad akong nagtungo sa kabilang kwarto.

Tss. Tulog pa sila Blake,

Bumaba ako. Sakto naman naglilinis ng sala yung mga maids nila.

"Good morning po sir Dane." Bati ng mga ito sa akin. Naka boxer lang akong bumaba ng sala nila sa sobrang pagmamadali.

"Ate, nakita niyo ba si Ali? Babaeng kasama ko po kagabi?" Tanong ko.

Ngumiti muna ito at tsaka sumagot. "Ay opo sir. Kakaalis alis lang po." Paliwanag nito.

"Saan nagpunta?" Tanong ko ulit. Kinakabahan ako.

"Sinundo po ng boyfriend niya."

Parang nagpanting ang pandinig ko. Tangina. Boyfriend? Anong boyfriend? Sinong boyfriend? AKO ANG BOYFRIEND NIYA. Gusto ko sigawan yung Maid kaso wala naman siyang alam.

Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis.

Ano yung kagabi? Tangina... nakakainis. Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak. Akala ko ay okay na kami.

Sinubukan ko siyang tawagan. Maka-ilang ring din ng sagutin niya. Sumobra sa tibok ang puso ko.

(Hello) - ani niya sa kabilang linya. Walang bahid ng inis, galit. Natural na tono na nagpakaba lalo sa akin.

(Babe, nasaan ka?) Malungkot kong tanong sa kanya.

Rinig ko pa ang pag hikab niya sa kabilang linya.

(Kakarating lang sa bahay.)

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil kinakausap na niya ako o kailangan kong matakot dahil meron kakaiba sa kanya.

(Punta ako diyan.) Hindi ako nagpapaalam sa kanya. Nagsasabi ako na pupunta ako.

Halos talunin ko ang hagdan nila Hubert ng sumagot siya. (Hmm... Sige)

**toot** **toot** **toot**

Mabilis akong nakarating sa bahay nila. Kumakabog ang dibdib ko. Nag doorbell ako at agad naman ako pinagbuksan ng gate ni Xia na nagkukusot pa ng mata. Halatang kakagising lang.

"Nasaan ate mo?" Nakangiting kong tanong sa kanya. Antok na antok ang itsura, tinuro niya yung bintana ni Ali.

Pumasok na ako agad at umakyat sa kwarto niya.


S A N D Y ' s POV

Narinig ko ang pag bukas ng pinto ko pero hindi ko siya nililingon. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya. Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag nakakainom ng alak ang mga lalaki. Dahil sa mga oras na iyon kagabi, parang nawala ko sa sarili ko.

Naramdaman ko ang yabag ng mga paa niya. Kasalukuyan kong inaayos ang kama ko ng yakapin niya ako mula sa likod at halikan ako sa leeg,

Tangina, napapapikit naman ako.

"Good morning baby." Malambing niyang sambit. Namiss ko siya. Sobra.

Sa totoo lang, na guilty ako kagabi. Awang awa ako sa itsura niya nung nasa pool kami. Hindi ko mapaliwanag yung kirot sa puso na nararamdaman ko. Hinahaplos ng bawat hikbi niya ang puso ko.

One True Love R18 (ON GOING)Where stories live. Discover now