Chapter 9

48 2 0
                                    

ALI'S POV

4am pa lang gising na ako. Bukas na ang pageant. Omigash--- hindi ko na alam ang gagawin ko.

Makikita ko nanaman si Ken, Hope at Dane mamaya. Aghh! Bakit parang ayaw ko sila makita pare-pareho? Mabuti nung nagtatrabaho ako e. Walang ganitong drama.

Paikot ikot ako sa kama ng biglang tumunog ang phone ko

"Hello?"

Hindi nagsasalita yung kausap ko. Ang paghinga niya lang ang naririnig ko.

"Hello?" Ani ko ng isa pa.

Sumagot siya. Kilala ko na. Sa pagkakarinig ko sa boses niya, nagsi-tayuan ang aking mga balahibo. Animo'y taon ang inantay ng aking mga tainga upang marinig muli ang napakalamig niyang boses. Nangilid agad ang luha ko.

Kingina, na miss kita!

"8:30am practice natin. Bakit ang aga mo nagising?" Sabi ni Ken.

"Oo alam ko. Ano naman sayo? Eh ikaw nga ang aga mong tumawag may nagtanong ba? Tsaka kanino mo ba nakuha ang number ko?"

Pagsusungit ko. Dahil ayokong maramdaman niya na na-miss ko siyang kausap sa telepono. Baka kung ano pa isipin at mag-feeling.

Humagikgik naman siya sa kabilang linya na kina-irap ko. "Kay Lovi, sige na menopausal. Matulog ka ulit. I love you!"

*toot toot toot toot toot*

I love you
I love you
I love you
I love you
I love you

Isang minuto ang tinagal ng telepono sa tenga ko. Paulit ulit na naglalaro sa utak ko yung sinabi niya. Sinalampak ko na lang yung mukha ko sa unan.

Namiss ko... Oo, namiss ko yung mga salitang yun. Biglang kumirot ang puso ko. Paano niya nasasabing mahal niya ako? Sinaktan niya ako ng labis pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya, kitang kita ko kung gaano siya kalungkot.

Bakit Ken? Anong problema mo? Meron ka bang hindi sinasabi sakin?

----

Naubos ang dalawa't kalahating oras ko kakaisip habang nakatitig sa kisame.

*tok tok tok*

Iniintay ko ang pagbukas ng pinto.

"May bisita ka sa baba". Ani mama

Bisita? Ganto kaaga? Sino naman kaya?

Inayos ko ang buhok ko at tumayo na. Syempre nag toothbrush muna ako noh!

Pagbaba ko nagluluto si Mama ng umagahan. Nasa lamesa na rin ang aking mga kapatid.

Xander: "Ate, bakit parang puyat na puyat ka?"

"Ako? Hindi ah!" Depensa ko dahil biglang sumimangot si Mama. Minsan kasi malakas makatunog to si Mama eh.

"Ayaw pumasok ng bisita mo, nahihiya ata sa ganda ko." - Mama

Rinig na rinig ko ang impit na tawa nina Xander at Xia. Imbis na patulan, lumabas ako para silipin kung sino ang bisita ko ng ganito ka-aga.

Nakita ko si Dane. Ano ginagawa nito dito?

Nakaupo sa gilid ng pintuan namin, nilalaro si Blackbark. Yung aso namin na kamukha ni Hope. Chos!

"Dane? Bakit ang aga mo? Halika, tuloy ka."


Pagaaya ko sakanya para pumasok. Tumayo naman siya at sumunod sa akin. May kakaiba sa kanya ngayon. Hindi ko nga alam kung ano, pero napapraning ako.

Napuwesto kami sa sala. Kumuha ako saglit ng maiinom namin. Dalawang kape para sa aming dalawa. Di ako mapakali. Kumakalabog ang dibdib ko. Nyeta, feeling teenager ako. Ba namern yan!

One True Love R18 (ON GOING)Where stories live. Discover now