Chapter 47

46 1 0
                                    

DANE'S POV

The doctors have to run some few more tests prior allowing me to go home to make sure na okay na ako. I was also given clearance to continue recuperate at home with some medications that were prescribed to me. Sa bahay na rin ako magtutuloy ng therapy. Kailangan ko lang ng leg workout and mag exercise para lumakas ulit muscles ko. In-advised din ako na mag endurance at cardio workout.

Ahhh! Pakiramdam ko pumangit ng sobra ang katawan ko. Promise, kapag fully recovered na ako, I will make sure to bring back my toned body. Mamaya, hindi na ako magustuhan ni Ali dahil ang pangit ng katawan ko. Hahaha!

10:00 AM exact ng matapos lahat ng test na gagawin sa akin and FINALLY!

Pwedeng pwede na ako makauwi. I miss my handsome baby so much. Kilala niya pa kaya ako? Miss ko ng makipaglaro sa gwapong mini-me ko. Sana excited din siya na makita ako just like how excited I am to see him.

"Baby, anong gusto mong kainin? Hindi ka pa nagbi-breakfast." Tanong ko kay Ali habang nakaupo ako sa kama tapos siya naman sa sofa na hindi naman kalayuan sa hospital bed ko.

Ngumuso lang siya at umiling.

"Why? Bakit ayaw mong kumain?" Worried kong tanong.

"Hindi pa ako nagugutom. Inaantok ako..." sambit niya sabay humikab.

Ang aga kasi namin nagising, kailangan kasi matapos agad lahat ng mga lab tests ko para before lunch ma-discharge na ako dito.

Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin. "Halika dito, sleep beside me." malambing kong tawag sa kanya.

She just shook her head. "Sa bahay ko na lang itutuloy."

"Okay. Can you get us something to eat baby?" sobrang lambing kong pakisuyo sa kanya para naman mag bago na ang aura. Naninibago kasi ako sa kanya.

Tumayo siya at inabot ang cellphone sa akin. "Ikaw na lang umorder. Higa lang ako."

Inabot niya yung phone niya sa akin tapos nahiga sa sofa. Nagulat ako sa naging sagot niya sa akin.

Wtf? Talagang didedmahin niya ako? Hindi niya ako aasikasuhin? Tss.

Ayaw rin ba ako katabi nito?

"But I am hungry." Ungot ko para pansinin niya na ako at asikasuhin.

"Ayan phone ko sayo. Umorder ka."

Napanganga ako literal sa inaasta nito ni Ali. Ano bang problema nito? Tss. Wala na naman sa mood.

Hindi ko na lang pinansin dahil ayokong magaway kaming dalawa. Hindi ko alam bakit bigla bigla ganyan yan. Lakas talaga ng sapak e. Hayy.

"Bie, gusto mong chicken?" I asked.

Dumilat lang siya sandali at sumagot. "Ikaw bahala. Kahit ano..."

Walang gana niyang sagot. Inorder ko na yung bucket of chicken. Pagdating nun dito hindi niya yan matitiis. I looked at her... kinakabahan ako sa mga ganyang astahan niyan e. Pag ganyan, may something yan. May kung anu-ano na naman tumatakbo sa isip niya. Iniisip ko lang kung ngayon kung ano...

Tumunog ang cellphone niya.

SmS from Kenzo: Sandy, hiniram ko muna saglit si Blaze. Gusto daw makita ni Mommy. Bibilhan ko na rin ng mga laruan. Just letting you know. Ingat ka diyan. Text me if you need something.

Oh, so hinihiram pala nito ni Lacsamana ang anak ko? Hindi naman ako nakaramdam ng inis pero nagaalala lang ako na baka masanay na sa iba si Blaze at hindi na ako ang maging favorite niya. I don't like that feeling. Pinakielaman ko convo nila ni Kenzo. Hanggang sa makarating ako dun sa convo na may Haven pa... tamang kalkal lang ng mga convo nila. Most of their conversations ay tungkol kay Haven.

One True Love R18 (ON GOING)Where stories live. Discover now