Chapter 13

73 1 2
                                    

Dane's POV

"Mommy ano yun?!" Inis kong sigaw kina Mommy.

Hinintay ko munang matapos ang party at makaalis ang mga bisita bago pumasok sa bahay namin. Hindi ako makapaniwala sa mga ginagawa nila. Para sa negosyo??? Really??? Para sa negosyo ng pamilya!

"She left me Mom and it's because of what happened. Hindi niyo man lang ako inabisuhan! Basta basta kayo nagdedesisyon!!!" Paninisi ko kay Mommy.

"Well if she did then she does not deserve you dahil kung mahal ka niya ay dapat pinaglaban ka niya." hindi ako makapaniwala sa sinagot ni Mommy. Napaawang ang bibig ko.

"Hindi mo naman alam ang nararamdaman niya Mommy!" sita ni Jeice sa kanya. Pinandilatan siya ng mata nito kaya natikom ang bibig ng kapatid ko.

"Oh baka naman alam niyang wala siyang laban kay Alyce kaya naman nag give na up na siya." Sarkastikong sabi niya

Siya ang una kong tinawagan after mag eskandalo nila Mr and Mrs Tan sa opisina ni Daddy at pinipilit na ipa arrange marriage kami ni Alycel, tapos agad agad nakabuo sila ng plano para masalba yung mga sarili nila? Tangina! Gaano ba kalaki ang takot nila sa pamilyang yun?!

"Ma!!! Mahal ko si Alissandra! Kayo lang ang makakabawi nung nangyari. Please help me explain everything to her. Please!!! Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa inyo."

Pagmamakaawa kong tugon habang hawak ang magkabilang braso niya.

"What is this Jacob Dane?" si Daddy.

Kasama si Alycel at ang magasawang Tan.

"Dad please... Hindi ko kayang makasal sa babaeng hindi ko naman pinangarap makasama habang buhay." sabi ko kay Daddy bago tinignan si Alyce. Batid ang pagka gitla niya sa sinabi ko. Tila hindi inaasahan.

"Alyce... Why don't you tell them na walang nangyari satin?" paghahamon ko kay Alyce.

"How could you tell Jacob? You were so drunk that night!" sigaw niya sa mukha ko.

Hindi... Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. Alam ko pa ang nangyayari.

"Yes! I am! Pero hindi ako gago para hindi malaman ang ginagawa ko. Bakit mo ba 'to ginagawa sakin?! Bakit sinisira mo ang buhay ko?! Matapos mo akong lokohin noon? Heto ngayon??? Biglang gustong ikasal sakin? Para saan Alyce?!" hindi ko na alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob.

Malaki ang tulong ng pamilya nila sa negosyo namin at alam ko kung ano mawawala samin.

Walang nakikielam na matanda sa usapan namin. Lahat tahimik at nakikinig lang.

"Dahil mahal pa rin kita Jacob at sising sisi na ako sa lahat ng ginawa ko sayo. Please bumalik ka na sakin. Mahal mo naman ako diba? We all know she is just a rebound!"

Tumulo ang mga luha niya. Kalokohan! Ngayon mahal niya ako? Tapos bukas? Hindi nanaman?

"SHE IS NOT! Did you plan everything? Ha??? Answer me!!!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo Dane. Planado lahat ng yun! Kung kinakailangan kong pumatay para lang bumalik ka... Gagawin ko!" kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Kitang kita ko kung gaano siya ka seryoso.

"I think we need to go home Mr Eleazar." paalam ng Daddy ni Alyce samin.

Tumalikod ako kay Alyce dahil hindi ko siya matansiya. Napakasama ng ugali.

"Jacob please..." niyakap ako ni Alyce.

Kinalas ko ang mga kamay niya sa pagkakayakap "Wag na wag ka ng lalapit sakin"

One True Love R18 (ON GOING)Where stories live. Discover now