Chapter 20

69 1 8
                                    

ALI's POV

Lumapit agad ako sa kanya. Para akong pinapaso. "Hindi ka man lang nagsabi." Nakasimangot kong sabi.

Niyakap niya ako at kitang kita ko kung paano ang pagpigil ni Dane sa galit niya. I acted normal. Nope! Not here, please.

"I missed you. Did you miss me?" Kakaiba ang tanong niya. Parang nanghuhuli.

Pakshet! Bakit ba feeling ko nangangaliwa ako? Eh single naman ako! Tch.

"O-ofcourse I-i mi-missed you!" I tried to smile pero natawa lang siya.

"Stuttering huh?" Tss. Kakaloka! Pinagpapawisan ako.

KASI MAINIT. Ah! Oo, tama! Mainit kasi.

"What's up? Did you enjoy?" Tanong niya kay Dane. Parang may kakaiba siyang ibig sabihin sa tanong niya. Natatakot ako at kinakabahan at the same time. Gusto ko na lang maglaho na parang bula. Gahd! I wasn't expecting this!

Nag smirk si Dane bago sumagot. "Yup. I did bro. Every day and every night bro." Isa pa 'tong lokong 'to. Mukhang balak niyang manginis.

"What do you mean?" May gigil na sa tono niya ng pagtatanong.

"None of your business Ken." Sabi niya ng hindi man lang tinitignan si Kenzo. Sumulyap siya sa akin. "I thought we headed here to eat? Mamaya na lang kayo magusap?" Nagulat ako sa inasal ni Dane.

"Hanggang ngayon na lang naman yan. Buti inenjoy mo na." He smirked.

Wala akong mukhang maihaharap kay Ken kapag nalaman niyang meron nangyari sa amin. Hindi ko siya kayang saktan. Nagiigting ang panga ni Dane kaya bumaling ako kay Kenzo.

"Ahh Ken, pahinga ka muna. Pupuntahan kita sa kwarto mo. Text mo sa akin suite number mo." Hindi ko alam kung paano ipa-pacify yung situation. Ramdam na ramdam ko ang tahimik na tensyon sa kanilang dalawa.

Tumango siya at HINALIKAN ako sa labi tsaka kami nilagpasan. Maya maya- naka receive ako ng text message. Si Kenzo na sinasabi ang suite number niya.

Kinaladkad ako ni Dane sa lugar ng resto na walang tao. Batid ko na function hall ito. Parang ginaganapan ng malakihang event.

"Pukingina!" Pagmamaktol niya.

"Bakit ka nagmumura?" Tanong ko. Pero may ideya na ako kung bakit siya nagkakaganyan. Kunwari lang na wala akong alam.

"Akala ko wala kayong relasyon?! Bakit hinalikan ka niya? Ha? Sino siya para gawin yun sayo?! Ha?" Galit na galit na siya. Sana lang hindi kami naririnig ng mga tao sa labas.

"He- he used to that to me. Wala yon sa akin." i dont know how will I explain it to him.

Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang takot na nararamdaman ko sa kanya. Walking time bomb ampota. Anytime, sasabog na.

"Really? Alissandra?! You were that easy?"

Hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinabi. Nainsulto ako rito. Ang kapal lang talaga mag galit galitan.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo sa akin ha!" I warned him.

Sinipa niya ang isang upuan. "Wala kayong relasyon sa lagay na yan ha." GIgil na gigil na sabi niya. Nagsimula na naman ako mapikon.

"Hindi lang ikaw ang pwedeng gumawa non, Dane." pangaasar ko sa kanya.

"Tss. Kanina lang ay okay tayo. Kakasabi mo lang sa akin na mahal mo ako. Nakita mo lang yung LALAKE MO!" pagdidiin niya sa huling salita bago nagpatuloy. "Nagbago ka na lang bigla? Iba talaga ang epekto non sayo noh?" Sarcastic niyang tanong.

One True Love R18 (ON GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora