Chapter 40 - SIN

92 0 1
                                    

ALI'S POV

2 weeks have passed since na-discharge ako sa Ospital. May mga bagong set ng gamot na nireseta sa akin. Sabi ng Doctor, medyo mahina daw ang puso ko at sobra akong pinapaiwas sa stress. Well, naging stressful talaga ang mga nagdaan araw. Masyado akong maraming inisip... unang una na bumabagabag sa puso at isip ko ay yung relasyon namin ni Dane bilang magasawa.

Ayoko siyang mawala, totoo yun. At sobrang mahal ko si Dane kaya nahihirapan na rin ako. Nai-stress na rin ako sa kanya, hindi kasi mapakali. Hanggang ngayon kasi, pag iniisip ko yung kasalanan niya. Nasasaktan pa rin ako. Pero mas nasaktan ako nung nalaman ko na sinaktan siya ng Daddy ko.

Kaya nung nakita ko siyang duguan... hindi ko na talaga kinaya. Pakiramdam ko nadurog ako... awang awa ako kay Dane. Hindi ko kinaya na makita siya sa ganun sitwasyon. Parang handa akong kalimutan ang lahat... basta wag lang siyang mapahamak.

Kapag naaalala ko kung paano kami paaalalahan ng doctor bago kami umuwi ay natatawa pa rin ako. Tuwing binabanggit kasi ng Doctor ang salitang stress, nililingon ko si Dane. Hahaha.

*SA BAHAY*

"Babe, anong gusto mong lunch?" Tanong ni Dane ng pumasok siya sa kwarto.

"Kahit naman sabihin ko hindi mo naman ipapaluto eh." Malungkot kong tugon.

Maraming binawal sa akin, gaya ng kape. Omygahd! Coffee is life! Bat naman sila ganon? Bawal din ang sobrang alak... sobra lang. Hindi sinabing bawal talaga and yung mga ma-cholesterol na pagkain.

Hindi na galit ang Daddy ko sa akin pero... diskumpyado pa rin siya kay Dane. Hindi ko na nga alam paano pa magbabago ang tingin niya dito.

"What do you want to eat ba?" Tumabi si Dane sa akin at inakbayan ako.

Ngumuso ako. "Pork adobo."

Napapikit si Dane sa sinabi ko. Gusto kong matawa. Magtatanong tanong tapos...

"Babe..." tawag niya sa akin habang nakapikit. Parang dismayado sa nire-request ko na ulam.

"Oo na, oo na. Bawal na. Wag mo na akong tanungin. Kung ano naman ang niluto, kakainin ko pa rin naman." Pagmamaktol ko.

"Baby..." malambing niyang tawag sa akin. "2 weeks na lang naman ulit. Diba 1 month lang naman yun binawal sayo? Pinapa-improve lang ang heart condition mo. Kapag nakakuha ka ng clearance sa Doctor mo, then you can eat everything you want."

Tumingin ako sa kanya habang nagpipigil ng ngiti. "Talaga?"

"Yes baby. Kaya for now, veggies and fish ka na lang ulit ha."

Ngumiti ako at nag agree na lang. Hindi naman na kami nagtatalo... mas nagpapaubaya ako ngayon. Kaya lahat ng sinasabi ni Dane sinusunod ko.

Binuhat ni Dane si Blaze. "Kiss Daddy." Malapit na mag 8 months si Blaze and I can tell na parang advance siya sa ibang bata.

May mga command na siyang naiintindihan. Kaya nung sinabi ni Dane na kiss, idinikit niya ang labi niya sa pisngi ng tatay niya.

Kinikilig si Dane kapag ginagawa ni Blaze yun.

"Akin na, ako na magbubuhat." Kukunin ko si Blaze kay Dane pero tumili ang anak namin na ikinagulat ko. Umarte na pinagpagpag ang dalawang kamay niya na parang ayaw niyang kunin ko siya.

Lah? Ang arte. Manang mana sa Daddy niya.

Natawa si Dane. Ang cute cute ni Blaze. Pang 1 year old ang taba. Sobrang spoiled nito kay Dane... nagagalit siya sa mga kapatid namin kapag inaasar at umiiyak si Blaze.

One True Love R18 (ON GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora