Chapter 1: Closet Finds

139K 5.1K 1.3K
                                    




It's hiding inside my closet, I can hear its heavy breathing. Kasabay ng mabigat na paghinga nito ay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Grrr..."

I heard it growl, and I'm hella scared! Bubuksan ko ba 'tong closet o magkukunwari na lang akong walang naririnig? Hindi ko alam kung anong klaseng hayop ang nagtatago sa loob at kung paano nito nabuksan ang cabinet kung sakaling hayop nga ito.

"Grrr!" Lalong lumakas ang ungol nito at nagtaasan lahat ng balahibo ko. Yikes, galit na yata talaga siya. Hinawakan ng mga nanginginig kong kamay ang handle ng closet.

"Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!" I tried to cheer myself on.

Binuksan ko ang cabinet at nagulat sa nakita ko—walang nasa loob. I was so sure na dito nanggagaling 'yung ingay.

Paglingon ko sa likod, I saw a pair of angry golden eyes under my bed. They are glaring at me—no, they're piercing right through me.

"Shoo! Shoo!" Kumuha ako ng stick at pinipilit itaboy 'yong kung anomang hayop sa ilalim ng kama ko. "Shoo! Tatawag ako ng dog catcher!"

"Grrr!"

Yikes! Nakita kong nilabas niya ang mga ngipin niya—and fuck, those are not just ordinary teeth! I can see a pair of sharp fangs on each side of its mouth.

"T-Tao ka ba o hayop?" I asked it. "Lugar? M-Marunong ka ba ng Pinoy Henyo?"

"Grrr..." Ungol lamang ang sagot nito sa'kin.

"May atraso ba 'ko sa'yo? May utang ba 'kong 'di nabayaran?"

Bigla siyang tumalon papunta sa'kin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, ang huli ko na lang naalala ay biglang nagdilim ang paningin ko.

***

Nasa'n na 'ko? Nasa heaven na ba 'ko? Lord? Lord, nariyan po ba kayo? Walang sumagot. Okay, so mukhang wala pa naman ako sa heaven.

Pagdilat ng mga mata ko, mag-isa na lang ako sa kwarto. I looked around the room. Wala na 'yong hayop kanina. Ang tanging naiwan niya na lang na bakas ay ang sugat sa braso ko kung saan nakabakat ang malalaking pangil niya.

Gusto ko sanang paniwalaan na panaginip lang lahat ng iyon, kaso ramdam na ramdam ko ang hapdi mula sa sugat na kaniyang iniwan.

***

"Hey, Raven? Okay ka lang?" Kinakaway ni Jasmine ang kamay niya sa harap ko.

Nakatulala pala ako habang nagkaklase. Gusto ko sanang ikuwento sa kaniya ang nangyari kaso alam kong hindi siya maniniwala dahil mabilis ring nawala 'yong marka sa kamay ko. Kahit mahapdi ito sa umpisa, madali rin itong naghilom agad. Weird.

Hanggang sa pag-uwi ay wala akong ibang ginawa kung hindi tingnan ang parteng nakagat sa braso ko. It healed instantly as if nothing happened.

Wala rin naman akong nararamdamang kakaiba... except now. Napatigil ako sa paglalakad dahil naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Naglakad ulit ako at pinakiramdaman ko kung meron. Hmm, mayroon talaga eh.

Lingon, lakad, tigil. Lingon, lakad, tigil. Lingon... lakad... takbo! Shit, feeling ko talaga ay may sumusunod sa'kin.

Hinihingal na ako sa kakatakbo kaya nagpahinga ako sa isa sa mga bench na naroon sa naabutan kong park. Siguro naman ay natakasan ko na siya.

"Grrr..."

I felt my heart drop. Nanginginig ang mga malalamig kong kamay nang marinig ang pamilyar na ungol na 'yon.

Tumingin ako sa paligid at hinanap ang pinanggalingan nito. Doon sa katapat kong puno, may nakita akong lalaking nakatayo sa isa sa mga sanga. Nakatingin siya sa'kin nang masama.

At ang sobrang nakakatakot pa roon... parang gusto niya 'kong kainin.

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon