Ang normal lang ng paliwanag ni Welma. Parang walang kahulugan ang tensyon namin.

"Ngayon , hija.. Noong nagplanta ako ng bomba nagkausao tayo tungkol sa mga attachments mo, di ba?"

"Oo.."

"Putulin mo ang pula, at sasabog ang bomba. Ang ugnayan ko at paghihigante ay matatapos na sana doon. Pero, ang asul ang pinutol niyo. Sumugal ako, at hinayaan na may maglilinis ng mga kalat ko. Isang masamang ideya, di ba?"

"Ano namang pinaplano mo ngayon?"

Tanong ni Drew, parang may napansin na naman ito sa kilos at pinapahiwatig ni Welma.

"Haha, tulad ng nasa isip niyo na plano ko. Lilinisin ko ang sarili kong kalat, at nandoon na ako. Aalagaan kita at ang maduming syudad na 'to."

(Papasabugin niya ang barko?")

*bogsh!!*

"Welma ahakkhdjfj!"

*Boom!*

May biglaang pagyanig, tinulungan ako ni Drew para hindi tuluyanv matumba.

"Salamat, Drew."

Pero kahit sinusuportahan niya ako, binigyan ng malalim na titig ni Drew si Welma. Kahit kailan hindi ko pa nakikita na ganito si Drew. Ganun man, masaya namang ngumiti si Welma.

"Ikaw.. Papasabugin mo ang buong barko?!"

Bawi ko, at tanong kag Welma.

"Haha, tama! Responsable ako sa sarili kong pagkakamali. Ang isali ang iba ay isang bonus. Binigyan ko na sila ng perpektong katapusan para sa mga nagawa nilang kasalanan dito sa mundo."

"Kahit masama sila.. Wala ka paring karapatan na husgahan sila!"

Inis kong tugon, at humigpit naman ang hawak ni Drew sa braso ko.

"Maging ang batas, hija. Masyado silang makapangyarihan para sa hustisya dito sa mundo. Sabihin na natin, ang panginoon na ang bahala sa lahat."

"Hanggang saan mo naman gustong magluksa welma? Minahal ka ni Chairman! Sasabihin ko na sana sayo ito! Lagi kang mas matimbang sa isip niya "

"Sinungaling ka! Natatakot ka lang na gawin ko ang pagpapasabog at ang iyang kasinungalingan mo ang pipigil dito."

"Gusto niyang sabihin saiyo na naalala parin niya ang sumpaan niyo noong taglamig. Hindi namin naintindihan ang ibig niyang sabihin, pero mahal ni Chairman ang kasalukuyan niyang pamilya.. Ngunit ang mga alaala mo ay nanatili sa kanya. Isang kritikal na bahagi na tinago niya sa puso niya."

Galit na pagpapaliwanag ni Drew kay Welma, na ngayon ay walang makita sa mukha kundi blanko.

"Sinungaling ka! Sinungaling! Sinungaling! Ang manatili sa isip niya ang alaala ko, ay pangarap ko, hindi sayo!"

Buong galit niyang sumbat. At walang lingon na iniwan kami doon.

"Paalam. Hindi ako galit sa inyong dalawa. Maaaring sinumpa ko kayo, oo. Kung magkikita man tayong muli. Hindi.. Pati iyan ay isang malaking kasinungalingan."

At tuluyan na siyang umalis, napapanood ko lang ang mga ito sa horror movies.

"Amber, tumigil ka!"

"Ano..?"

"Kung may usok, magiging delikado kapag hindi pa tayo tatakbo!"

Oo naman, ang pagyanig na yun ay hindi lang isang pagsabog. Lulubog ba ang barko?

Nang lumabas kami sa isang deck na mababa lang, nagulat ako ng may biglang malakas na sumabog. Siguro dahil sa ibang direksyon nakatingin si Drew kaya hindi niya ito narinig.

Anonh tunog yun?!

Tinignan ko ang pinanggalingan ng tunog na yun at doon ay..

"Ano iyan? Tignan mo, Drew!"

"Ano ba yun? Helicopter yata ni Welma yan."

"Kailangan makaalis na tayo dito, bilis! May lifeboat naman siguro dito. Gamitin natin iyon, drew para makatas dito."

"Wala tayong magagawa."

"Ano..?"

Tinuro ni Drew ang isang bahagi na malapit sa amin sa unahan na dapat doon nakalagay ang mga lifeboat, pero wala na ang mga iyon..

"Nagamit na ang lahat. May nakita din akong malapit na mga bangka. Marahil nakasakay sila noong sandali nang pagsabog. Paano na,.. Halika at humanap tayo, ng mga pangrescue na kagamitan. Ito lang ang magagawa natin sa ngayon."

"Paano kung wala din tayong makita, drew?"

"Tatawid .. Tayo sa tulay na yon. Kapag nandoon na tayo. Sa ngayon dapat maging positibo at mabilis tayo kesa maging negatibo at mabagal."

"Sang ayon ako, Drew!"

Naghanap kami ng kahit anong pwedeng magamit namin, pagkatapos ay sa wakas ay manahanap kami na dalawang life jacket sa isang tagong kwarto. Sinuot namin ang mga iyon at mabilis na tinungo ang tulay.

Ang deck ay nasa isang madulas na anggulo, at nakikita namin ang maputing kalangitan na unti-unting sumisilang.

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon