Chapter 12

2.4K 54 0
                                    

"Nagamit natin ang lahat ng oras para lang maglinis." Sabi ni Drew.

At inimbita ako sa isang private room ng isang restaurant para doon mag lunch.

Mabuti na rin iyon ang pinili niya. Ayaw naman nilang may makarinig sa kung anong nangyari kanina.

"Alas Dos na pala.. Gutom na talaga ako." Ang nasambit ni Kz.

"Syempre, nagtrabaho ka agad at Hindi mo na napansin ang oras. Tsaka maling tignan kung maaga kang mag lulunch dahil marami pang tao."

"Hindi ko naisip na chineck mo pala kung pinasok ang opisina natin." Si kz.

"Bakit mukhang gulat ka?" Tanong ng binata.

"Sandoval, malaking posibilidad na ayaw ito para sa ating impormasyon."

"Tama." Sang ayon naman ni Kz.

"Ang gusto ng mga kawatan ay impormasyon. At ang pinakamabilis na paraan para mukaha iyon ay, gumamit ng wiretap. Iyon rin siguro ang gagawin ko."

"Nagawa mo na ba ito dati?" Tanong ni Kz.

"Huwag ka ngang magbiro.At bakit ko naman gagawin iyon? Ang isang consultant na tulad ko?."

"Hindi ko lang matanggap na ang gumawa nito ay taga loob din. Ayaw kong isipin na may mga ganoong klase ng tao pala."

"Well, pagkatapos mo bumalik na tayo at tapusin na natin ang paglilinis. Tska, wag ka nang mag alala sa kanila kung marinig man tayo rito." Wika ng binata.

"Oo naman. Kumakain lang tayo.. Isa lang itong lunch meeting."

"Hindi naman masama ang lumabas minsan, di ba?." Tanong pa nito.

"Alam mo parang drama lang pala ito."

"Ano?." Si drew.

The Egoistic Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now