Chapter 54

680 11 0
                                    


*tok* *tok*

Bandang alas tres ng hapon, nang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Binuksan iyon ni Drew at nandoon ang waiter kahapon.

"Excuse me, Ready na po kayong makita ni Madam, nandito ako para ihatid kayo sa kinaroroonan niya. Ready na ba kayo?"

"Ready na ba tayo, Amber?"

"Oo naman, ready na!"

"You heard the lady."

Sarkastikong ngumiti si Drew sa direksyon ng waiter. Pero, naging seryoso ang mukha nito.

"Tapos, sumunod kayo sa akin. Dito po ang daan."

"Tara.."

"Okay, sir!"

Mabilis akong sumunod sa mga hakbang ni Drew. Hanggang sa narating namin ang VIP room.

"Hello, sa inyong dalawa."

Bati ni Welma sa amin pagkapasok doon.

"Oh hello."

"Hello"

"Ang mabigyan ng magandang kwarto, akala ko ay mabilis kayong nakatulog ngayon. Siguro may pumipigil sa inyo na gawin iyon. Ang saklap naman."

"Mahirap, pero ang kapalit naman nun ay isang magandang oras kasama si Amber dito."

Sagot ni Drew, na nagpapula sa pisngi ko.

"Ang lumabas kasama ang iba.. Haha ang kapal mo talaga. Gusto ko yan. Well, natutunan mo ba kay chairman?"

Si welma ang nagbigay ng pag uusapan namin. Naiinip siguro. Hindi tulad ni Drew na malumanay lang, pakiramdam ko parang nairita ito kay Drew.

"Oo, siya ang nagliwanag ng lahat."

"Iyon lang lahat?"

"Anong ibig mong sabihin, welma?"

"Wala ba siyang sinabi saiyo?"

"Ah, iyon pala ang ibig mong sabihin."

Alam ni drew kung anong sinasabi ni welma, siguro naglalaro lang si Drew.

"Bago tayo mapunta dyan, gusto kong marinig ang nasa isip mo, Welma."

"Ako?"

Tumango si Drew..

"Naiintindihan ko ang inspirasyon mo sa paghihigante, pero sapat ba yan na rason para humantong ka sa sitwasyon na 'to?"

"Bakit hindi? Ang isang babae ay ayaw nilang nakakalimutan sila, nakakapagtaka ba na maghigante?"

Galit na sagot ni Welma.

"Naniniwala ako na reresulta lang ito sa isang closure."

"Ganun ba? Pero, hindi ko parin siya mapapatawad. Ang kalimutan ako ay parang pagtatraydor sa akin, isang hindi kapata-patawad na kasalanan."

"Hindi lang naman iyon ang sinabi ni Chairman sa akin, may isa ka daw anak na lalaki, at salamat kay kevin , ang status niya sa social ay nanganganib tama?"

"Omg, paano mo nalaman iyon?"

"Ang wakas lang nun."

"Pero kayong lahat ay nanalo na. Talo ako, ang maghigante ay wala ng saysay sa akin."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

Sabay ko sa naging sagot ni Welma.

"Walang kwenta, tinaya ko ang negosyo ko sa planong ito, at sinira niyong lahat iyon. Magiging childish ako.. Kung di ko aaminin ang pagkatalo ko. Ito.. na ang katapusan."

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon