Chapter 20

1.5K 34 0
                                    


"Teka po.. Nakikiliti ako.."
Alanganin na saad ni Kz.

"May kiliti ka pala dito?"

"'Wag niyo na po kasi akong kilitiin."

"Nakakatuwa kasi ang reaksyon mo."

Anong gagawin ko?
Tanong ng isip ni kz, at tila hindi mapakali sa ayos nila ni Drew. Nakapulupot kasi ang kamay nito sa bewang niya. At nahihiya na siya..

Pinisil pa ni drew ang bewang ng dalaga, habang pinipigilan ang pag galaw nito.

Napunta na ako sa gilid niya at hindi makagalaw.
Lumingon ako sa paligid at napansin ang mga mata ng isang grupo ng mga babae.

Tama! Ito iyong tumawag kay drew kanina.

Marami ring mga tao galing sa trabaho.. Ayaw kong mapagchismisan kami bukas sa opisina bukas.

Napaigik na lamang ako ng biglang humigpit ang hawak niya sakin. Hindi ba niya naisip na nasasaktan na ako?

"S-sir. Masakit na po."

"Tiisin mo."

"Hindi ko po kaya."

"Your always selfish Sandoval."

Wika niya at naglabas ng buntong hininga. At sa wakas at linuwagan ang pagkakahawak niya sakin, ngunit Hindi sapat para makawala ako sa kanya.

"Nalibot ko na iyong venue, pero wala man lang akong nakitang maskin isang clue."

"T-talaga sir?"

Tanong ko habang pinapakalma ang sarili.

Pagkatapos ng party, nag offer si Sir drew na ihatid ako pauwi.

"Salamat sa paghatid sakin sir."

"No problem."

"Ang dami mo palang kakilala sir, nagulat ako."

"Iyong sa party ba? Katrabaho ko lang iyon dati, tsaka kasama sila sa entertainment ng program."

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon