Chapter 27

940 30 0
                                    


AN/: Chap. 25 at 26 po ay nagkapalit, please read 25 first ngka error lang sa pag update ko kaya nahuli.

*beep* *beep*

Umaga na pala?.. Alarm?..

Pinatay ko ang alarm at nagmasid sa paligid. Nakita ko si Sir drew na naka bathrobe, at pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

"Morning!"

Bati nito sakin.

"Good morning.. Nakaligo na po pala, kayo sir?"

"Oo. I'm sober now. Hindi rin kasi ako nakatulog kagabi.. Pagkatapos mong umalis sa tabi ko."..

" Ano?"

Para bang pinapagalitan niya ako sa anung kasalanan na hindi ko alam. Bumuntong hininga naman ito.

"At dahil kama ko iyon, ligtas ka. Pero, dapat mag ingat ka na gumawa ng mga bagay na kagaya nang ginawa mo kagabi. Hindi ka dapat ganito sa ibang lalaki."

A-anong s-sinasabi niya?

"Hindi ako sumilip sa kwarto mo! Hinila mo kaya ako! "

"Hindi ko pinangarap na mamilit ng isang maliit na babae  para lang makasama siya sa kama ko."

"Lasing ka, at pinigilan mo akong bumalik sa kwarto ko. Matutulog na sana ako sa sofa, pero hinila mo ako papunta sa kama mo, kaya dito ako nakatulog dito kagabi. Nakalimutan mo ba?"

"Hn., wala akong matandaan na ganun.. Pero siguro totoo nga ang sinasabi mo. Kahit ano man, ay pagkagising ko ngayong umaga ay nasa bisig na kita."

"Sa iyong... ?"

Medyo nakatulog na ako kaya hindi ko napansin, pero siguro pareho kaming pagod kaya nakatulog.

"Okay, oras na para bumangon. Kailangan natin maisulat ang kontrara at mapapirmahan na iyon ngayon doon sa kompanyang napili natin kahapon."

"A-ah, sige! Pakihintay po ako."

Kailangan ko ng bumangon at maghanda.

Pagkabangon ko mula sa kama ay naghanda.. 

*toot* *toot*

Nang biglang tumunog ang cellphone ni sir Drew.

"Hello? Yes?"

Normal ang Boses niya nung sumagot, pero bigla itong humina.

Parang may masamang nangyari ah.. Wala akong ideya sa kung ano man ang sinasabi niya, pero base sa mga narinig ko..

"Traydor! Pagbaliktad? Walang pag asa?!

Pagkatapos ng ilang minuto, ay ibinaba na niya ang tawag.

Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto sa kung ano.

" sir drew?"

"May malaking problema doon sa hinanda natin para sa kompanya kahapon. Hindi na kailangan magbigay tayo ng kontrata sa kanila."

"Ano? Anong nangyari? Akala ko ba ay naayos mo na ang kasunduan kahapon?"

"Pagka alis siguro natin kahapon, ay may nag offer sa kanila ng mas magandang offer."

"Pero hindi nila.. Hindi ba nila pwedeng tanggapin na lang ang parehong offer?"

"Sa totoo lang, ayon sa kabilang partido ang kompanyang iyon ang pumilit na dapat walang iba maging kompetensya, kaya ibig sabihin nun Hindi na tayo kasali. Sapat ang inilahad nilang offer kung saan hindi natin kayang higitan."

Naiinis na paliwanag ni Sir drew. Naiinis din ako kaya naiisip ko kung papaano mas naiinis ito sa nangyari.

"Kahit tayo pa ang unang lumapit sa kanila ...?"

"Tayo nga, pero hindi na mababago nun na inalis nila tayo."

Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito... Iyon pala ang dahilan ngpagkabalisa niya. Umupo si Sir drew sa sofa at bumuntong hininga.

"Ang laking kahihiyan ito sa parte ko."

"Pero hindi mo naman kasalanan ang lahat ng iyon, sir! Hindi mo naman alam na mangyayari ito e."

"Pero, ako ang nagpatigil sa huling step. Nakasaad iyon sa Business 100 na dapat siguraduhin na mapirmahan ang kontrata."

"Pero, hindi natin na mangyayari to.

Buong kumbinsi ko Kay sir drew.

" kasalanan ko parin, hindi sa kung bakit nangyari ang bagay na ito, iyon ay kung bakit naging ganito ang resulta."

Dapat Hindi na niya sinisisi ang sarili niya. Ngayon lang namin ito nalaman, masyado pang maaga para sumuko.

Siguro may maaari akong sabihin sa kanya, pero ano..?

"Huwag na muna nating isipin ang kompanyang iyon sir."

"Your right, Sandoval."

"Tsaka, ang isang hindi mapagkakatiwalaan na kompanya tulad non ay ayaw natin maging kasama sa negosyo. Dapat pag nakikipag usap sa isang kontraktor kailangan pareho kayong may tiwala sa isa't isa, iyon ang importante sa lahat. Kailangan na natin maghanap ng bagong kompanya."

"Ngayon po kayo maghahanap?"

"Oo naman, hindi ako sure kung maaari kaya iyon, pero may isang araw lang tayo para maisaayos ito."

Pagkatapos ay naging normal na ulit ang ekpresyon sa mukha ni sir drew,  at tska ngumiti.

"Ngayon, ay okay na umalis na tayo Sandoval."

The Egoistic Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now