Chapter 25

1K 26 0
                                    

Pagkatapos ay Sabay kaming nag dinner at nagtungo sa isang bar, at nagliwaliw sa kalsada kinagabihan.

Pareho na kaming lasing, kaya napag desisyunan namin na bumalik na sa hotel.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang huling pangyayari noong nagkasama kami sa isang kwarto ni Sir Drew.

Kung paano niya ako yapusin sa bisig niya, ang init na dulot ng balat niya sa balat ko.

Pero sa pagkakataong ito ay hiwalay ang kwarto namin. At sinigurado ko na Hindi na mauulit iyong tagpo na nagkasama kami sa iisang kwarto, dahil kung hindi baka wala na akong lamas para tumangi sa kanya.

"Anong problema Sandoval? Nakatulala ka diyan."

Biglang tanong ni Sir drew, nang mapansin ang di ko pag kibo ng ilang oras .

"Ay! Sorry, sir. Iniisip ko lang po iyong mangyayari bukas."

( sa totoo lang siya naman ang iniisip ko..)

"Namumula ka. Hindi naman iba ang iniisip mo hindi ba? Baka may maitulong ako para mawala ang pag aalala mo."

"H-hindi na po kailangan!"

"Sigurado ka? "

"Sure po ako sir, don't mind me."

Habang lumalakas ang tambol sa dibdib ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Sir drew.

Sa Chep lap kok Airport, Hongkong.

"Wow, ang ganda ng airport na ito.

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko pagkalapag ng eroplano namin.

Akala ko ay walang nang makakapantay sa ganda ng airport sa pilipinas, mas maganda pala dito.

Pagkakamalan ito na isang 5 star resort.

" Ito ang nag iisang daanan ng mga bansa sa Southeast Asia. At kilala din ito sa pinakamagandang airport sa mundo."

"Talaga po sir?"

Ito ang unang pagkakataon ko dito sa hongkong, pero kung ang iba pang bahagi ng syudad na ito at maganda..

Napapaligiran ang airport ng iba't ibang klase ng bulaklak.

"Wala na tayong oras para makapasyal dito sa airport, kaya kailangan na nating maka alis dito."

Basag ni sir drew sa kasiyahan ko. -_-

"Sige po."

Naghintay kami ng taxi para magpunta sa conference center.

(Wow, ang ganda ng mga gusali!"

Ang tanawin sa labas ng bintana ay parang isang paraiso. Bigla naman akong nakarinig ng isang mahina na halakhak.

Pagkalingon ko sa kinaroroonan nito ay bumungad sa akin ang namumulang mukha ni Sir drew.

The Egoistic Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now