Chapter 32

854 24 1
                                    


"Narinig ko pala na ang kalidad ng produkto mula sa bagong pabrika ay napakataas. Lahat ng nasa design department ay masaya tungkol doon."

"Ako ang pumayag sa kontrata, sa huli.. Kaya alam ko na iyon ang pinaka best at wala ng iba."

"Heh heh, totoo iyan. Pero, ang tanging kailangan mo lang ay iyong kaibigan mo na kamukha ni kiko."

"Oo nga. Well, dahil tapos na tayo. Huminto muna tayo doon?"

"Okay!"

Tumango ako ar nagsimulang magtungo sa isang Bar.

____________


" oh drew, at ang magandang binibini."

Hindi parin nagbago ang ayos ng bar mula noong huling pagpunta namin dito. Paranv tumigil ang oras, at umupo na kami sa counter at nakioagkwentuhan kay sir kiko.

"Ang may ka parehong mukha."
Sabi ko.

"Wow, siguro nagulat ka noh. Kakambal ko pala iyon. Weird lang ang nakilala mo siya."

"Magkakambal pala kayo?.. Ang galing.."

"Mukhang okay na kayong dalawa ah? Minsan kasi parang mahirap kayong ipagsama."
Sabat naman ni sir drew.

"Paano naman po ang pamilya niyo, sir drew?"

"Ako?"

Sinusubukan ko lang magbukas ng topic na pwede naming pag usapan, pero parang nagbago ang mood ng paligid.

Ugh, pakiramdam ko na hindi ko na dapat tinanong iyon. Dapat ibahin ko na lang ang tanong.

"U-um, sa totoo! May kapatid akong lalaki pero napakakulit niya at..! Ang mama at papa ko naman ay parehong..."

At napansin ni sir drew ang  pag iiba ko ng topic, ay bigla itong tumawa.

"Mukhang interesting ang pamilya mo, sandoval."

"Ahm, oo. Kahit na pinapahiya nila ako minsan, ay mahal ko parin sila."

"Good to hear that."

At muling tumahimik si sir drew, at walang kahit anong tensyon ang mukha nito tulad kanina.





Sa sumunod na araw.

"Good morning, sir."

"Oh, morning."

Ganun parin ang batian namin sa ganun na oras, tulad ng ibang araw. Walang nagbago, or ganun nga talaga.

Anonh nangyari sakin? Bakit hindi ako mapalagay? Simula at noong hindi ko natanong sa kanya iyong tungkol sa babae kahapon., ngayon kinakabahan parin ako tungkol doon.

Kailangan kong mag focus sa trabaho ngayon.

"By the way, sandoval. May sasabihin ako saiyo."

"Sasabihin?"

"So, alam mo kong sino ang naglaglag sa atin doon sa hongkong?"

"Ano? Oh, ibig mong sabihin iyong tungkol sa insidente sa hongkong?"

"Oo. Hinahanap ko kung anong kompanya ang may gawa nito. Pero, ang totoo may ilang mali na order ang naapektuhan."

"Maling order?. Kakaiba yata iyan."

"May kakaiba akong pakiramdam na kung sino man ang gumawang maling order, ay siya ang may kakagawan ng lahat ng ito."

Sino naman kaya ang sumabotahe sa amin ng ganito?

"Pero, mas may kakaiba mula sa lahat ng ito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang pagsabotahe sa mga kakompetinsya mo ay business lang naman, di ba? Pero, hindi mo isasabotahe ang kakompetensya mo kung delikado pala ang kapital ng kompanya mo."

"Hindi, walang sense iyon, sir."

"Kaya may posibilidad na inside job ito, sandoval. Pero.. Hindi ko iniisip na ang iba pang department ay aabot doon sa pagnanakaw sa ating prospective contracters. Maglalabas lamang iyon ng malaking halaga para lang ilaglag tayo. "

"So, ibig mo pong sabihin na ang hangarin nila ay hindi tungkol sa kapital, sir?"

"Tama. Sa tingin ko mas malalim pa ang intensyon nila kaysa sa negosyo lang."

"Siguro.. In that case, ano bang habol nila sa atin?"

"Ang mas tamang explanation dito ay isang paghihiganti."

Pero, sino naman kaya ang gustong maghiganti laban sa kompanya namin?

"Hindi mo ba naisip na masyado itong ma'drama sir drew?"

"Maybe. Ngunit kung hindi sila imteresado sa kapital, ano naman kaya iyon? May naisip ka bang iba pang motibo nila?"

"Wala..na po sir."

"Mahirap mag-isip ng mga ganitong bagay na posibleng kagagawan ito ng isa sa mga empleyado natin. Isang taong may lihim na hihinakit sa kompanya.. Ayaw.."

"Hindi pwedeng ang chairman. Narinig ko na lagi siyang masaya. Palakaibigan na tao at wala talagang kaaway."

"Tama ka, sandoval. Matagal ko na siyang kilala, at may tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi ganun si chairman."

"Kung ganun, sino naman kaya ang may masamang motibo sa kompanya?"

"Maaaring isa sa mga malalaking kompanya. Maaring ganoon. Of course, maaari din na may personal agenda sila laban sa cahirman or sa mga taong nandito sa kompanya."

"No, i think there is someone who is against our company sir."

"Right.. In any angle, may isang tao doon ang gustong maghiganti ay delikado sa negosyo. Dapat mag ingat ka, sandoval."

"Sa tingin niyo po sir nasa panganib ako? Hindi ko maisip na may isang tao na may masamang balak sakin."

"Bakit mo naman iyan nasabi, sandoval?"

"Hindi ko alam, kaya lang.. Sa tingin ko wala naman akong nagawa para kamuhian ako ng isang tao."

"Kung sino man ang taong ito, hindi sila takot na dumihan ang kwarto mo. Kaya hindi mo maikakaila ang katotohanan na maaaring mapahamak ka rin."

"Pero,.. Sa tingin mo ako ang kailangan nila?"

"Sana hindi."

At naglabas ng malalim na buntong hininga si sir drew, at dahan-dahang umupo sa upuan ko.

"Hindi ko naisip na magiging ganito kasama kapag pumayag ako sa trabahong ito. Mali yata iyon sa part ko."

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon