Chapter 24

1.2K 34 1
                                    

Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Sir Drew, pero maririnig pa rin sa Boses ko ang pagkamangha.

"Medyo hindi ko nagustuhan ang pagkuha mo ng buong atensyon ni Sandoval, Drew. Kaya pinatawag ko siya dito."

Kasabay ng isang magiliw na halakhak ang lumabas mula sa Chairman na naging sanhi ng pagtaas ng isang kilay ni Sir drew.

Tahimik lang naman ito at walang sinabi at tumitig lang sakin.

"Iyon ba talaga ang nangyayari dito?"
Tanong ni Sir Drew.

"U-um. Opo sir."
Sagot ko.

"Hindi ka nagsabi Sandoval."

Napagdesisyunan ko na ipagpatuloy ang pagtatrabaho kay Sir drew. Siguro kailangan sabihin ko din ito sa kanya.

Nang makakuha na ako ng lakas ng loob, at mataman ko siyang tinignan sa mata at Sabay sabing,

"U-um, Sir drew?"

"Yes, Sandoval?"

"Gusto ko parin na ipapatuloy ang pagtatrabaho sa inyo... Kaya sana patuloy niyo parin akong gabayan at turuan."

Tumango lang siya sakin kahit may pagkalito sa mukha nito.

"O-okay. Aasahan ko yan."

"Hay. Ang mga kabataan talaga."
Singit naman ni Chairman.

"Chairman! Huwag niyo nga akong tuksuhin! Siguro matanda na ako ngayon para isipin pa ang tungkol sa naiwaglit kong kabataan noon."
Sabat naman ni Sir drew.

"Huwag niyo rin akong tuksuhin, Sir Drew!"

"Haha, magkasundo nga kayong dalawa. Is she really a help for you, drew?"
Tanong ni Chairman.

"Of course."

"Good. Give all your best, Sandoval and drew."

"Kami na ang bahala chairman."
Pangako ni Sir drew.

"Um, ano po palang ginagawa niyo dito sir Drew?"

Kapag magpatuloy pa ang pag uusap na ito, malamang Hindi na kami matapos.

"Pwede na po ba akong umalis para makaupo na kayo sir."

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon