Chapter 35

787 26 0
                                    

"Nandyan ka ba drew?"

Tanong ng boses na kumatok, si mike iyon ang head ng marketing.

Magalang at palaayos ang dating nito. At sikat sa mga kababaihan.

"Yes. Wait. Amber, pwede bang pakibuksan ang pinto para sakin?"

Utos niya sakin ng marinig iyon ay dali-dali akong umalis sa pwesto namin.

"Ha? O-okay!"

At dahil na rin sa nangyaring inside job dito sa opisina namin, kaya may bagong ininstall na lock sa pintuan ng opisina. Tanging mga kilalang personnel lang ang nabigyan ng susi para sa lock na iyon.

At dahil nawala na rin naman ang mood namin, mabilis kong binuksan ang pinto.

"Hello, Can you have a minute?"

"Opo."

Mabuti naman at mukhang walang napansin na kakaiba itong si sir mike sa amin ni drew.

"Tungkol ito sa isyu ng overseas factory na nasabi mo nong isang araw sakin, Amber. Gusto ko lang na magreport, at sa tingin ko maayos naman ang naging takbo noon."

"Ganun ba? Thank you very much mike."

"May narinig din akong tsismis na nahirapan daw kayong kunin ang kontrata. Maging sa department ko ay namoblema din dahil sa nangyari. Hindi natin tiyak kung sino talaga ang taong responsable sa bagay na ito. In other words, lahat ng tao dito ay pwedeng panghinalaan."

"Sana ipagpatuloy mo parin ang pagbantay nang walang mangyaring problema, mike."

"Sure, gagawin namin ang makakaya namin para ma'handle  
Ang kahit anong problemang darating."

"Do it with a reason, mike."

"Of course. Iyon lang muna ang irereport ko sa ngayon. Ayaw kong magpadala ng kahit ano na tungkol sa mga hinala gamit ang email, kaya nakapagdesisyon ako  na personal na mag report sayo."

Paliwanag ni sir mike. Tama, baka may makaalam pa tungkol sa bagay na iyon.

"Right. Hindi mo masisigurado na baka may biglang makialam"

"Yeah."

Sang ayon ni sir Mike, at bumalik na ito sa kanyang opisina.

"Its good. Mukhang maayos na ang factory kung ganun."

"Yeah."

"Wait, bakit masyado ka yatang malapit sakin, sir drew?"

"I'm just picking up what we left earlier."

Bulong niya sa tenga ko at pinulupot ang mga braso sa aking bewang.

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon