Chapter 36

657 19 0
                                    


Pabalik na ako galing lunch.

"Talaga? Medyo late na ata, hindi ba?"

Tanong niya.

Halata sa boses ni Sir Mike ang pagkainis at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ako sigurado kong nakita ko na ba dati na mainit ang ulo ni Sir Mike. Medyo nagulat kasi ako sa naging reaksyon niya ngayon.

"Gusto mo bang kausapin si Sir drew?"

"Ah, Oo."

At tumango siya, nang dumating si Sir Steve.

"Amber."

"Oh, Hello Sir steve."

"Nakakaabala ba ako?"
Tanong nito.

"Hindi, Please continue sir."

"Kung ok lang, salamat. Hinahanap ko sana si Drew."

"Hinahanap mo rin siya, Sir steve?"

"Hindi lang pala ako ang may kailangan sa kanya, ngayon?"

"Kakatanong ko lang kay Amber tungkol sa kanya."
Sagot naman ni Sir Mike.

"I see. Importante ba yan Mike?"
Tanong ni Sir steve.

"Oo."

"Nagmamadali rin kasi akong hanapin siya, Mike."

Ano kayang kailangan nilang dalawa kay drew?.

Ang tanging rason na naisip ko sa dalawang pangulo ng departments na naghahanap sa kanya ay..

"Anong isyu ba yan, sa budget o may iba pang problema?"
Taka kong tanong sa kanila.

Parehong hindi sila nagsalita at nagtinginan. Sumunod silang dalawa sakin patungo sa opisina upang hintayin ang pagdating ni Drew.

Ano kayang mangyayari? Masama ang kutob ko tungkol dito. Drew bilisan mo at bumalik ka na dito.

Sigaw ng utak ko.

Nang biglang tumunog ang pinto, at umawang iyon tanda nama'y papasok..

"Sir drew!"

"Sorry, may inasikaso lang ako na negosyo."

Paliwanag niya, pagkapasok sa opisina.

The Egoistic Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now