Chapter 21

1.4K 36 0
                                    

  Dedicated to: quijanomagelardien24

Pakiramdam ko, parang walang nagbago sa amin. Parang panaginip lang.. ang mga nangyari kahapon.

"Sir?"

"Ano iyon Sandoval?"

"Um, ano po bang format dito sa report?"

"Ah. Katulad parin ng format na ginamit mo dati, pero dapat nasa 2 pages ang mga ito."

"Noted sir!"

(Kung lalagpas pa ako... Baka mas maging awkward ang sitwasyon. Sa ngayon, mas mabuti na munang pagtuunan ko ng pansin ang aking trabaho.)

Muli kong chineck ang mga data para siguraduhing wala itong error. At sinigurado ko din na walang anumang isyu.

Siguro okay na ito. Ito naman talaga ang kailangan niya, tama?

"Sir, natapos ko na po iyong report. Issend ko nalang via email iyong file."

"Good. Thank you."

Inattach ko na ang file at pinadala na ito sa kanya.

Ang minamadaling trabaho ay wala na muna sa ngayon. Pagkatapos kong magawa ang mga duties ko ay tsaka ko lang nalaman na tanghalian na pala.

(Oras na pala?)
Tuwing busy ako sa trabaho ay hindi ko na napapansin ang ibang bagay.

Habang iniisip ko iyon at may biglang sumulpot na isang imahe sa isip ko...

Ang nangyaring paghalik ni Sir Drew sakin kagabi ... Ang malambot nitong labi...

Ano ba itong iniisip ko!? Hindi ito tama, nasa trabaho ka kz!

Naramdam ko na uminit ang pisngi ko, at panakaw na sinulyapan si Sir drew. At mukhang hindi naman ako napansin, ang buong atensyon kasi nito ay nasa kanyang computer, at chicheck ang files na pinadala ko sa kanya. Bawat salita ay sinusuri at binabasa niya.

------------------------

Dalawang araw ang lumipas...

Ang tanga ko. Ako lang ata ang masyadong nagtatrabaho ng ganito.

"Anong problema? Panay ang pagtingin mo dito."

"W-wala po. Iniisip ko lang bakit ang tanga ko."

"Ha? Bakit mo naman iyan ang naisipan mo?"

"Ako...."

The Egoistic Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon