Chapter 43: My Family

73.9K 829 158
                                    

Atom

Halos hilahin ko ang oras makarating lang ng pilipinas dahil sa sinabi ni Ella na ilalayo nya sa akin ang anak ko. Kailangan kong mabawi ang anak ko, hindi ko rin maintindihan kung anong sinasabi nya inilayo ko ang anak nya. Kailangan malaman ko ang totoo.

“Kenetic! Asan ka? Kailangan kitang makausap tungkol kay Ella, hawak nya ang anak ko at sinabi nya na ilalayo nya sa akin! Kaya hanapin mo sya!” Sabi ko saka ko binaba yung phone. Hindi ko na sya binigyan na makapag salita pa, mas kilala nila si Ella kaya dapat sila ang kumausap pere hindi pa kami tapos ng babaeng yun. Humanda sya sa akin pag uwi ko ng pilipinas.

Pag labas namin ng airpot agad kong hinatid si Mara sa condo nya pero bago makaalis pinigilan na nya ako.

“Hon, mamaya kana umalis let’s make love first…” Bulong nya sa akin saka ako niyakap at hinalikan sa labi.

“I need to go maybe next time.”  Saad ko. Kailangan kong mahanap ang anak ko.

“Okay, call me when you got home.” She kissed me again.

“Okay.” Sabi ko saka ako ko iniwan para umalis.

Habang nasa kotse ako agad kong tinagawan ang kapatid ko para makibalita pero hanggang ngayon hindi nya parin alam kung nasaan si Ella at ang anak ko. Kapag lang may nangyaring masama sa anak ko baka mapatay ko si Ella.

“Hanapin mo! Kapag may nangyari masama sa anak ko hindi ko alam kung anong magagawa ko dyan sa babaeng yan!” Sigaw ko.

“Don’t worry I’ll search for her!” Sigaw nya din. Saka binaba yung phone.

Siguruhin lang nya dahil kapag ako ang nakakita sa babaeng yun lintek lang ang walang ganti.

Pumunta ako sa office para hanapin yung mga kaibigan ni Ella dahil sigurado ako na may alam sila sa pag kuha ng babaeng yun sa anak ko.

“Nako sir Atom hindi sya nag text.” Sabi ni Raya.

“Last night mag kakasama kami kasi inalagaan namin si Tammy pero umuwi din kami ni Raya agad.” Dagdag ni Rica.

“Siguraduhin nyo nalang na hindi nyo tinatago yang babaeng yan at kapag tumawag sa inyo sabihin nyo agad sa akin!” Sabi ko saka iniwan sila. Asan ko ba hahanapin ang babaeng yun!

My loverDär berättelser lever. Upptäck nu