Chapter 37: I feel Broken

79.2K 618 53
                                    

Ella

Maagang natapos yung Pictorial kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi hectic ang schedule ko ngayon kaya makakagala pa ako pero di ko naman alam kung sinong yayain ko. Tawagan ko kaya si Lid? Pero baka may trabaho yun busy sya ngayon.

“Ella! Wala ka nang gagawin diba? Let’s go shopping?” tanong ni Raya na co-models ko

“Ano ka ba naman, Raya. Shopping na naman? Pwede bang iba naman?” buti nalang bumabat si Rica na isa pang co-models ko, tama naman sya shopping na naman? Parang puro damit na nga ang lagi namin kaharap sa araw aaraw ba naman na  lagi kaming may photo shoot at lagi iba iba ang damit namin. NAKAKASAWA DIN. I want something new..

“Ano nalang gagawin natin?” tanong ni Raya habang nag lalakad na kami paalis ng studio

“Let’s eat first, then, we will decide what are we gonna do.” Sabi ko tumango lang silang dalawa kaya umalis na kami para pumunta sa isang resto, pag pasok palang namin ang dami ng nakatingin lalo na yung mga lalaki. Sanay na kami lagi naman ganito ang eksena.

Umupo kami sa isang table at tumawag ng waiter para umorder, habang nag hihintay kami ng pag kain nag open si Raya ng topic about sa bagong dating na si Atom Valencia  nagulat nga din ako kasi hindi ko alam na may isa pa silang kapatid. Akala ko tatlo lang ang Valencia Brothers.

“Grabe! Ang gwapo ni Atom Valencia no?” sabi ni Raya habang kinikilig pa

“Oo  nga! Nagulat ako huh, akala ko tatlo lang silang mag kakapatid.” Dagdag ni Rica

“Ako din, nagulat ako. walang na babanggit si Lid sa akin, kahit sila Lee at Keni hindi rin nabanggit ang tungkol kay Atom..” there’s something the way I pronounced his name.

parang tumatalon yung puso ko..

“OO nga pala, bat di sinabi ni Lid sayo? Baka nag seselos kapag nag ka gusto ka, pag aawayin mo pa silang mag kapatid!” asar ni Rica sa akin pero umiling iling nalang ako lahat ng tao sinasabi na bagay daw kami ni Lid lagi din nilang pinipilit na may something sa amin dalawa kahit wala naman.. para lang kaming mag kapatid. Ang sabi ni Lid wala daw silang kapatid na babae kaya parang bunsong kapatid na babae daw ang turing nya sa akin. Kahit sila Lee at Keni ganun din

Kaya nagulat ako ng sabihin nya kay Atom na girlfriend nya ako, nung tanungin ko naman sya sabi nya may gusto lang daw syang makita kahit na naguguluhan ako sa sinabi nya hindi nalang ako nag tanong minsan kasi ma sekreto din si Lid kahit na super close kami.

My loverWhere stories live. Discover now