Chapter 42: She's mine

78.4K 772 123
                                    

Ella

Isang na araw na akong hindi nauwi dahil hanggang ngayon ayaw akong pakawalan ni Tammy panay rin ang tawag nya ng “Mommy” sa akin na parang ako talaga ang nanay nya. Wala akong mairereklamo dahil gusto ko ang pakiramdam na kasama ko sya dahil napaka sweet nyang bata.

Nag lalaro sya sa garden habang pinapanuod ko sya. Tumatakbo sya kalaro ang isang aso. Ako naman nag hahanda ng pag kain para sa kanya nag paluto kasi sya ng spaghetti para sa merienda.

“Tammy, here’s your spaghetti, stop playing na muna come here!” Tawag ko sa kanya. Agad syang lumapit sa akin at yumakap sa binti ko kaya agad ko rin syang kinarga at pinunasan ang pawisan nyang mukha.

“Mommy, I really miss you. Wag kana po ulit aalis huh.” Hinawakan nya ang mukha ko gamit ang malilit nyang kamay.

“Mommy won’t leave you again.” Niyakap ko sya. Naawa ako sa bata dahil hindi nya nakilala ang mommy nya anong klaseng ina sya para iwan ang anak nya.

“Akala ko po hindi kana babalik sa amin ni Daddy.” Ano kayang naging dahilan ng pag hihiwalay ni Atom at ng asawa nya kaya hindi nakikita ng bata ang mommy nya.

“Basta ngayon nandito na si Mommy wag ka ng mag cry ulit huh.” Umupo ako at kinandong sya para pakainin ng spaghetti.

“I love you Mommy!”

“I love you too baby.” I kissed her head.

Pag katapos kumain agad bumaba si Tammy at nag laro ulit kasama ang aso nya kaya hinayaan ko nalang, mukhang masayang masaya din kasi sya. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun kaya agad kong sinagot.

“Ella, Where are you? Bakit hindi ka nag paalam na hindi ka uuwi kagabi? Nag alala kami sayo!” Sermon ni Mommy sa akin. Hindi ako nakapag paalam sa kanya dahil masyado akong nag alala kay Tammy kaya wala na akong ibang inatupag kundi ang alagaan sya buong mag damag.

“My, Sorry po, humingi kasi ng favor sa akin si Lid na alagaan ko daw muna ang pamangkin nya dahil walang mag aalaga, nasa business trip kasi silang lahat dito.” Paliwanag ko.

My loverWhere stories live. Discover now