Chapter 38: Habang atin ang gabi

86.3K 700 76
                                    

Atom 

Maaga akong pumasok dahil marami akong gagawin pero bigla naman sumakit yung ulo ko. simula ng maaksidente ako may mga pag kakataon na sumasakit ang ulo ko ng sobra. ang sabi ng doktor normal lang daw yun kasi minsan may mga naalala daw ako kaya sumasakit ang ulo ko. 

"Aghhh! Ang sakit!" inuntog ko sa desk ko yung ulo ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko wala akong dalang gamot. ayoko din kasing umasa nalang sa mga pain killers na yan 

"Atom? anong nangyayari sa'yo?"  pag tingin ko si Ella  palapit sa akin habang panay ang sabunot ko sa ulo ko 

"Masakit ang ulo, ikuha mo ako ng gamot!" sigaw ko sa kanya sya naman halatang natataranta na kung anong gagawin

"S-Sige, wait lang, dito ka lang."  lumabas sya para kumuha ng gamot ako naman patuloy sa pag sabunot sa ulo ko at pag untog sa desk ko 

"Atom? Anong nangyayari sayo?" pag tingin ko si Mara palapit sa akin at pinigilan akong sa ginagawa ko 

"Masakit ang ulo ko! gamot! aghhhh!" gusto ko ng mag wala pucha! sobrang sakit! shit! 

"Here, take this." pinaunom ako ni Mara ng pain killer, kaya unti unti kong naramdaman na okay na ako. nagiging payapa na rin ako.

"Iniinom mo pa yung mga pinapainom sayo ng doctor mo?"  sabi nya habang inaayos yung buhok ko at pinupunasan yung mukha ko 

"Ayoko ng uminom ng mga gamot na yan, wala rin naman nangyayari. wala pa rin akong maalala.." 

"Pero kailangan mong uminom ng mga gamot mo. tingnan mo nalang, paano kung hindi ako dumating, baka kung anong nangyari sayo..paano ang anak mo..paano ako.. kung mawawala ka.."  nakita ko ang takot sa mata ni Mara kaya agad ko syang niyakap alam ko nag aalala lang sya sa akin 

"Sorry, Sige. iinom na ako ng gamit ko." para lang mapanatag sya pareho pa kaming napatingin sa pinto ng bumukas yun

"E-Ella?!" sabi ni Mara kaya napatingin ako sa kanya 

My loverWhere stories live. Discover now