Chapter 23: Greatest Pain

122K 926 157
                                    

Atom 

2 weeks na kaming nag kikita ng palihim ni Yanna pero di ko pa rin sinasabi kay Ella ayoko kasing mag ka gulo di pa siguro ito yung tamang panahon para sabihin ko kay Ella ang tungkol kay Yanna basta sasabihin ko din pero hindi pa ngayon hindi ko pa kaya..

nag lakad ako papasok sa isang resto para puntahan si Yanna may dinner kasi kami ngayon  sa totoo lang nahihirapan ako sa tuwing mag sisinungaling ako kay Ella pero yun lang ang magagawa ko apra hindi masaktan si Ella..

"Hi. kanina ka pa?" sabi ko saka umupo sa harap nya mag ka mukhang mag kamukha talaga parang si Ella ang kaharap ko.. 

"Hindi naman kamusta na pala kayo ng kapatid ko?" tanong nya

"Okay lang kami pero hindi ko pa sinasabi na nandito ka na.." 

"Siguro mas makakabuti nga na hindi mo muna sabihin.." 

natahimik kaming pareho ayoko munang pag usapan yung tungkol sa amin ni Ella kasi lalo lang akong na gi-guilty  dahil nag lilihim ako sa kanya 

sa loob ng dalawang linggo sinabi ni Yanna sa akin ang lahat nung una nagalit ako pero nang sabihin nya sa akin ang totoong dahilan  nawala yun galit ko at ngayon nga tinutulungan ko sya  sa problema nya..

"Tommy thank you huh kasi kahit na iniwan kita dati hindi mo pa rin ako iniwan ngayon.." hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya 

"Hindi ko kaya na pabayaan ka dahil alam ko na kailangan mo ako ngayon.." hinawakan ko din yung kamay nya saka kami ng ngitian hindi ko alam kung kung hanggang kailangan tatagal to pero sa ngayon kailangan nya ako kaya nandito ako..

Lid 

Pucha sinasabi ko na nga ba may kagaguhan ginagawa tong kapatid kilala ko sya dahil sa loob ng 2weeks iba ang mga kinikilos nya lagi syang gabi umuwi tapos parang napapabayaan nya na din si Ella hindi naman sya dating ganun

at ngayon nga napatunayan ko na totoo ang hinala ko dahil nandito sya sa isang resto kasama na isang babae pero di ko makita kung sino nakatalikod kasi sya sa  side ko gago talagang atom to paano nya nagagwang pag taksilan si Ella 

My loverWhere stories live. Discover now