Chapter 45: Back in each other's arms

80.9K 934 110
                                    

Ella

Nagising ako sa sinag ng araw kaya agad akong nag mulat ng mga mat, pag tingin ko sa gilid, nakita kong  tulog na tulog pa rin si Atom habang nakadapa at walang kahit anong suot sa katawan. Halos umaga na kami natapos kagabi dahil hindi nya ako tinantanan hanggat hindi kami napapagod.

Napahawak ako sa noo ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko napigilan na tumugon sa mga halik at haplos nya, napakalas ng epekto nya sa akin sa totoo lang at hindi ko kayang labanan ang kung anong gusto ng katawan ko para sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang buhok nya para haplusin. Ang lambot pala ng buhok nya…

“You want another round?” nagulat ako at inalis ang kamay ko ng mag salita sya.

“May dumi kasi buhok mo kaya inalis ko lang!” Palusot ko.Bumangon sya at tumingin sa akin kaya tinakpan ko pa lalo ang sarili ko pero hindi parin ako nakaiwas ng halikan nya ako sa labi.

“Good morning wife.” Bati nya. Ang sarap sa tenga ng sinabi nya pero hindi ko iyon ipapahalata. Kailangan pa pala namin mag usap tungkol sa magiging set ng pag sasama namin.

“Atom, we need to talk about us and our daughter.”


“I know, pero kumain muna tayo bago tayo mag usap, alam kong gutom ka, mag luluto lang ako.” Hinalikan nya ako sa noo saka sinuot ang short nya at bumaba para mag luto. Naiwan akong tulala at muling bumalik sa pag higa.

Mag uusap kami mamaya at kinakabahan ako sa mga pwede kong malaman tungkol sa nakaraan ko. ano kayang klaseng tao ako bago mawalan ng mga alalala? Hindi kasi masyadong ipinaliwanag ng mga magulang ko ang nakaraan ko kaya hindi na rin ako nag tanong.

Pag baba ko nakahain na ang mga pag kain at nakaupo na rin ang anak ko habang hinihintay ako. agad syang ngumti ng makita ako at tumakbo palapit sa akin.

“Mommy, Good morning po.” Bati nya saka nag pakarga sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napaka sweet talaga ng anak ko. agad akong napangiti dahil sa inasal nya. Sana lagi nalang bata ang anak ko dahil parang hindi ko sya kayang ibigay sa kahit na sinong lalaki kapag lumaki na sya.

“Good morning baby.” Inupo ko sya katabi ng upuan ko.

“Good morning Ella.” Bati ni Lee. Hindi ko sya pinansin at pinakain ko lang si Tammy. Bahala sila sa buhay nila naiinis pa rin ako sa kanila dahil tinago nila sa akin ang pag katao ko. alam nila kung anong klaseng hirap ang naranasan ko dahil sa loob ng isang taon pinilit kong maalala ang lahat ng nakalimutan ko sa buhay ko pero wala man lang silang sinabi na alam pala nila.

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon