Chapter 28: Family bonding

118K 843 71
                                    

Ella 

Nagising ako ng may maramdaman ako na humahalik sa mukha ko papunta sa labi ko kaya napamulat ako at napahawak sa balikat nya it was Atom.. 

"Good morming Baby.." Bulong nya pag katapos ng halik kaya napangiti ako 

"Good morning ang aga mo ata ngayon?" tanong ko  habang hinihimas yung buhok nya nasa ibabaw ko parin sya kahit bagong gising lang ang gwapo pa din talaga nya kaya hindi ko napigilan na hawakan yung mukha nya two weeks na simula ng mag kaayos kami masaya ang buong pamilya nya dahil nag kaayos na kami at mag kakaroon na ng buong pamilya ang anak ko

sa totoo lang masaya din ako dahil magiging bumong pamilya na kami.. 

"Matagal na akong morning person simula ng makilala kita ano palang gusto mong gawin ngayon?" 

Naalala ko pa nung college kami ako pa lagi gumigising sa kanya  tapos ngayon nauuna pa sya sa akin pero may napansin ako 2 weeks na din syang hindi pumapasok sa trabaho baka mamaya pagalitan na sya ni Daddy pati nung tatlo.

"Atom bakit hindi kana pumapasok? baka pagalitan kana ni daddy pati nung tatlo." 

"Alam nila na ngayon palang tayo nagiging okay kaya pinayagan nila ako na mag leave muna sa work gusto ko din kasing makabawi sa inyo ni Tammy ano saan mo gustong pumunta?" 

"Hmmm kahit saan si Tammy nalang tanungin natin para hindi na tayo mahirapan kung saan."  nag tawanan kami saka ako niyakap ni Atom napayakap ako sa kanya 

"I love you so much wag mo na ulit akong iiwan huh.." 

lagi nyang sinasabi yan parang lagi syang takot na iiwan ko sya hindi ko naman kasi alam na sobra pala syang na trauma sa pag alis ko noon pero hindi ko na ulit gagawin yun mas matured na ako ngayon para takasan yung mga magiging problema namin sa ngayon..

My loverWhere stories live. Discover now