Chapter 33: Sapat na ang minsan

91.7K 664 70
                                    

Ella 

Lakad takbo yung ginawa ko para lang makarating sa kwarto kung saan naka confine si Atom iyak ako ng iyak habang iniisip ko na ano mang oras pwedeng mawala ang lalaking pinaka mamahal ko.

bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito alam ko na marami akong pag kakamali sa buhay ko pero si Atom ang isa sa tamang nangyari sa akin sila ng anak namin..

Atom please be strong wag na wag kang susuko wag na wag mo kaming iiwan ng anak mo..

pag kita ko palang sa mama ni Atom agad akong yumakap dito habang iyak ng iyak si Tammy naman kinuha ni Papa  si Keni at Lee tahimik lang pero halatang kakagaling lang sa iyak 

"Hija, I'm glad you're safe.."  habang hinihimas nya yung buhok ko saka ko lang naramdaman na ligtas na talaga ako dahil nasa tabi ko na ang pamilya ko 

"Ma. kamusta si Atom.."  

"He's not okay sabi ng doctor kailangan pang tingnan ang lagay nya dahil sa aksidente nabugbug ang katawan nya at tumama sa matigas na bagay ang ulo nya kaya ngayon comatose sya.." Iyak ng iyak si mama habang nag sasalita hindi ko na rin ma pigil ang lalo umiyak dahil sa sinabi nya 

Atom naman please wag na wag kang bibitaw wag na wag mo akong iiwan kasi hindi ko kaya.. 

Umalis ako sa pag kakayakap ni mama at tiningnan ko si Atom mula sa window glass halos mawalan ako ng ulirat ng makita ko sya na maraming nakasaksak na bagay sa katawan halos hindi ko sya makilala dahil sa mga galos nya at benda sa katawan..

"Atom please lumaban ka.."  hindi ko alam kung anong klaseng sakit yung tumutosok sa puso ko habang nakatingin ako sa kanya.. 

he look so weak. 

hindi ito ang Atom na kilala ko dahil ang atom na kilala malakas makulit mayabang punong puno ng buhay..

Lord please naman po iligtas nyo ang asawa ko gagawin ko lahat ng gusto nyo na kahit buhay ko pa ang kapalit para lang mailigtas sya sige kunin nyo na wag nyo lang syang hayaan mamatay.. 

"Ella, Kailangan mong mag pakatatag para kay Atom at para sa anak nyo.." Hawak ni Lee yung balikat ko yumakap nalang ako sa kanya dahil hindi ko na alam kung anong isasagot ko dahil gulong gulo na ako .

My loverWhere stories live. Discover now