Bata pa naman ang anak ko. Hindi niya pa alam ang ibig sabihin ng Papa. Hindi niya pa alam ang tunay na responsibilidad ng isang ama. Ang alam niya lang, dapat may tinatawag ang isang bata na Mama at Papa. Iyon lang ay kuntento na siya.

"Ask your Mama to come with us." Sabi sa kanya ni Cedric habang hinahalikan siya sa buhok. Hindi ko maikakaila na swerte ang magiging tunay na anak ni Cedric. Mahaba kasi ang pasensya niya sa bata at malambing pa siya.

Umiling agad ako at umupo sa harap ng computer ko. "No! No! Hindi ako makakasama sa inyo. Busy ako." Sagot ko sa kanya habang nakatingin kay ZL. "Ang dami kong progress notes na gagawin, Cedric!" Reklamo ko pa kay Cedric. Linggo ngayon at lunes na bukas. Dapat ay magawa ko na kasi itong mga ito.

"Ayaw ni Mama, Baby." Gatong niya kay ZL habang nakalabi.

"Please, Mama?" Sabi ng anak ko sa tonong nakikiusap.

Sasagot sana ako nang pagtanggi. Pero nang makita ko ang mga mata niyang nagtutubig ay parang umatras na ang boses ko. Ganyan kasi si ZL. Kapag may gusto siyang bagay at hindi nakuha, iiyak na iyan. SIsimulan niya iyan sa pagtutubig ng mata at pamumula ng ilong, hanggang sa unti-unti ng papatak ang luha niya. Kasunod noon ay nakakabingi ng atungal.

"Pero, Anak... Ang daming gawain ni Mama." Pilit kong pinauunawa sa kanya. Tumayo na ako at kinuha siya sa kamay ni Cedric para ako ang magkarga.

"Work. Work. Work. No time for ZL!" Maktol ng anak kong spoiled. Kasalanan ko ito eh. Sa sobrang dami kong frustrations noon, kay ZL ko naibuhos lahat ng pagmamahal ko. Hindi rin pala maganda dahil naispoiled ko siya. Pero kung nais-spoiled ko siya, mas grabe si Cedric. Minsan hindi siya napasok sa hospital na pinapasukan namin para lang makipaglaro kapag gusto ni ZL.

"Pero.."

Hinawakan ni Cedric ang likod ko at hinaplos. Alam niyang naghihirap ang kalooban ko na hindi ko maibigay ang gusto ng anak ko.

"Pagbigyan mo na. Tutulungan na lang kitang gumawa mamaya ng mga progress notes ng pasyente mo. Nasa draft na naman, di ba? Sumama ka na." Kumbinsi niya sa akin habang nakangiti.

Ang anak ko, namumula na ang ilong habang inaantay ang sagot ko. Ayan na ang stages na sinasabi ko. Alam ko na ang mga kasunod niyan. Kaya napabuga na lang ako ng hangin at malumanay na iniabot si ZL pabalik kay Cedric.

"Sige na nga." Sabi ko sa aking anak. 

Para namang manika na de-switch na biglang nagbago ang kanyang mukha. Bigla itong umaliwalas at sumilay ang kanyang napakagandang ngiti na labas ang dimples. Tuwing makikita ko siyang ganyan ay hindi ko maipagkakaila na anak nga siya ni Franz. Para siyang minion ni Franz na mahaba lang ang buhok. Cute na cute ang anak ko.

"Yehey!!" Tuwang-tuwang tili niya na ikinatawa na lamang namin ni Cedric.

Wala na akong nagawa kundi ang magbihis at sumama sa mall tulad ng gusto ng anak ko. Anything for my daughter. She's all I got. She's my most precious jewel. Kahit ano ay handa kong gawin para sa kanya. Huwag lang siguro ang pilitin si Franz na iwan si Fatima at anak nila para sa amin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon