Chapter 18: Nice Friend

185 12 128
                                    

Lynn's POV

Halos lumabas ang sarili kong kaluluwa sa katawan ko ng may biglang tumakip sa bibig ko saka ginihit pa sa pinakalikod ng mga halaman.

Pilit akong kumakawala sa kanyang mga kamay pero napakalakas nya. Wala na akong magawa kundi ang hindi kumibo habang rinig namin ang mga footsteps ni Buen papalayo.

Nung tuluyan na nga itong makalayo ay sadyang binitawan ako ng nakahawak sa akin kaya agad ko syang hinarap. "MOONBIN!?" sigaw ko sa gulat

Nagsign sya na wag akong maingay kaya ako naman ngayon ang napatakip sa sarili kong bibig bago tumago tango. "Anong ginagawa mo dito? wag mong sabihing...?" hindi makapaniwalang tanong ko saka ko sya tinuro.

Napabuntong hininga na lamang ito bago hinawakan ang kamay ko at hinila ako hanggang sa mapadpad kami sa mga malalaking bato sa gilid ng dagat.

Sinuri nya ang paligid at nung matapos nyang tingnan ang tahimik na lugar ay binitawan na nya ang kamay ko.

"Spill it" utos ko sa kanya

"Wala.." sagot naman nya

"Wala? aba puta! kinaladkad mo ako dito sa kasuluksulukan ng isla tapos sasabihin mo wala? ginagago mo ba ako?" singhal ko sa kanya

Agad naman itong napakamot ng batok. "Ano.. ito-tour lang sana kita dito sa isla ko.. kwe kwe"

Binatukan ko! ang gago lang eh! "Ito-tour? aba!"

"Hehe..."

Napasmirk nalang ako ng may ideang pumasok sa isipan ko. "May balak kang masama sakin no? kaya mo ako dinala dito? anong gagawin mo sakin?" saka ako nag-cross arm

As expected, nagulat nga sya sa sinabi ko haha. "A.. ANO!?"

Haha! guys yung mukha nya! ahaha napaka-inosente pala ni Moonbin

Lumapit ako sa kanya. "Eh bakit mo ako dinala dito?" wika ko habang sige pa rin sa paghakbang papunta sa kanya. Sya naman ngayon ang napapa-atras.

Ahahaha! naku Moonbin! ang cute mo! kaya pala hulog na hulog si Riri sayo.

Pero nagulat ako nung bigla nya akong tinulak. Mabuti nalang at napasandal ako sa malaking bato.

ARAY! PUTA! ANG LIKOD KO!

Wala sa sarili akong napaupo dahil sa sakit. Tangina nayanig ata likod ko.

Baby! okay ka lang ba?

Dali-dali naman syang lumapit sa akin saka ako tinulungang makaupo ng maayos. "Okay ka lang ba? pasensya na"

Kinutongan ko sya sa ulo. "Gago ka! papatayin mo ba anak ko?!"

Kinutongan rin nya ako. "Alam kong napalakas yung pagtulak ko sayo kahit hindi ko sinasadya, ikaw kasi eh! na-alog ba ang utak mo dahil dun?"

"PUTANG INA MO! ANO BA!"

Mahinang pinitik naman nya ang ilong ko. "Wag masyadong managinip. Walang magtatangkang buntisin ka." siguradong sabi nya bago nag-smile saka ginulo ang buhok ko at tinulungan akong tumayo

PUTA ANG GAGO NITO!

Konti nalang talaga Moonbin. Malalampaso ko na yang pagmumukha mo sa mga batuhan dito.

"Hala!" kumunot ang noo ko nung tumingin sya sa kanyang kamay tapos tumingin sa balikat ko. "Sorry sa gagawin ko ha.."

"Oh bakit?"

"Tsk! mapapatay ata ako ni Eunwoo nito." bulong nito sa kanyang sarili na syempre dinig ko naman.

"Huh?" ano bang nangyayari sa kanya?

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now