Chapter 6: Canteen

181 15 111
                                    

Lynn's POV

Lunch break namin ngayon.

Nandito kami sa canteen kasama ang tropang Totally High's. Pati na rin sina Sanha at Rocky ay nandito din.

"Huta! ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Jinjin kay Eunwoo

"Aba malay ko!" sabat naman ng isa. Sarap nyang higupin kasabay nitong sopas ko

"Ba't nga ba tayo nandito?" tanong din ni Rocky kay Sanha

Siniko ni Mj si Chloe. "Sagutin mo tanong nya"

"Anong isasagot ko hindi ko din alam. Saka wag ako dito baka matusok kita nitong bbq stick kong hawak" astig namang sabat nito

"May sasabihin daw si Riri eh" nabaling ang lahat ng tingin kay Moonbin.

"Ano na naman ba ang kabaliwang gagawin nung putang inang batang yun?" sabay sabunot ni Jinjin sa kanyang buhok. High blood ata, pano ba naman inaantok.

"Ano bang problema mo jan? dapat nga alam mo eh! kapatid mo kaya yun!" singhal ni Jia sa kanya

"Gago! alam mo namang hindi na ako umuuwi sa bahay. Nakakaumay ang paglalandian ng nanay at tatay namin. Tsk!"

"Ang kupal mo Jinwoo!" sigaw ni Rocky sa kanya.

"Sya nga pala! tapos na ang mga maliligayang araw mo sa kubo ko! humanap ka na ng bago mong matutulugan kung ayaw mong sipain ko yang pink mong bangs! puta! blonde buhok mo pero pagdating sa bangs, pink! gago yun ah!" inis na sabi ni Eunwoo.

"Tsk! ano ba yan! hoy Myungjun! dun muna ako sa talyer mo matutulog ha! mas mabuti na rin yun at malapit sa pandesalan ni Moonbin" baling nito kay Mj

"Anak ng! isasanla ko pa naman sana talyer ko kay Rocky." giit din ng isa

Piningot naman ni Jia ang tenga ni Mj. "Gago ka! ba't mo na naman isasanla kay Minhyuk! magkano na naman ba ang inutang mo sa kanyang shokoy ka!"

"Aray! ano ba Jianne Shelle! puta! ano bang pakialam mo! ikaw ba magbabayad!?" singhal nito sa isa habang himas himas ang kanyang tenga.

Hinampas naman nito ng mahina ang balikat ng kanyang katabi. "Ah.. hehe.. wala akong pera. Simula kasi nung sumigaw ako sa cafe, lumiit na mga customers ko. huhu"

"Pakyu ka!"

"Pakyu ka rin! bwisit! mamatay ka na!" balik ni Jia sa kanya.

"Ayan.. ayan.. hindi nga naman kumpleto ang araw nyong dalawa basta walang bakbakang nangyayari eh noh?" wika ko sa dalawa

"Pwe! tumahimik ka!" sabay na balik sigaw ng dalawa sa akin.

Nagulat ako dun ah! ano bang nagawa ko?

"Teka.. naguguluhan ako sa ibinigay na assignment ni Ma'am kanina. Sabi nya.. ano daw ba ang nauna? manok o itlog?" out of the blue na tanong ni Pres. sa aming lahat

"Manok unang sinabi mo 'di ba? edi manok." confident na sagot ni Moonbin at inirapan lang sya ng lahat

"Itlog" sabay namang sabi nila Eunwoo at Sanha kaya nalipat ang tingin namin sa kanila.

"Ba.. bakit?" awkaward na tanong ni Rocky

Bored na napatingin si Eunwoo sa kanya. "If the question refers to eggs in general, the egg came first, as the first egg-laying animals evolved millions of years prior to birds. If the question refers to chicken eggs specifically, the answer is again the egg, but the explanation is more complicated. An animal nearly identical to the modern chicken laid a fertilized egg that had DNA identical to the modern chicken that's due to mutations in the mother's ovum, the father's sperm, or the fertilized. But to put more simply.. The egg comes first"

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now