Chapter 11: Panaginip

260 13 288
                                    

Warning! Read at your own risk. Slight SPG.


Sanha's POV

Pinipilit kong makatulog manlang.. pero hindi ko talaga kaya. Kanina pa ako nakahiga sa kama, pagulong-gulong lang. At bakit kapag pumipikit ako, mukha lang ni Lynn ang nakikita ko?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok bago napa-upo.

Buntis si Lynn? sino ang ama ng kanyang dinadala?

Tumayo ako saka nagpalakad lakad sa loob ng kwarto ko. "Oo may nangyari samin.. pero hindi iyon sapat para sabihin kong ako ang tatay ng kanyang dinadala. Isang buwan akong nawala, tapos pagbalik ko hindi na nya ako pinapansin. So posibleng ayun nga ang dahilan. Tapos ayaw nyang sabihin sa akin. Pero sinabi ko naman sa kanyang mahal ko sya, so bakit pa nya itatago 'di ba? eh sya? mahal ba nya ako? Tinatago ba nya ito dahil wala syang nararamdaman sakin? However, si Eunwoo ang parating kasama nya. Pero understandable naman kasi. Alam kong hindi nya boyfriend si Eunwoo. Hindi din nya ito mahal. Possible bang may nangyari sa kanilang dalawa tapos nabuntis sya at pinanindigan ito ni Eunwoo?.."

Umupo ako sa kama. "Pero bakit? may nangyari na sa amin.. tapos may nangyari din sa kanila? alam kong hindi ganung babae si Lynn.."

Naputol ako sa pakikipag-usap sa sarili ko at nagulat nung biglang bumukas ang pintuan.

Si Jinjin hyung.

"PUTA KA SANHA!  SI BUEN GIRLFRIEND MO PERO AKO PA ANG INUTUSAN MONG MAGHATID SA KANYA KAGABI!? ALAM MO BANG MAITIM BUDHI NUN? ISA PA NAKATANGGAP NA NAMAN AKO NG DEATH THREAT GALING SA NANAY NI JULIE! TANGINA! MAMATAY KA NANG TYANAK KA! BWISIT KA! PESTE! PUTA!" halos lumabas na ang mga ugat nya sa leeg sa kakasigaw sakin.

"Hyung..." sambit ko

"TARANTADO ANO?!"

Nagdadalawang isip ako kung i-si-share ko ba sa kanya ang problema ko, wala kasi akong masabihan. Tapos gusto ko pa namang may makausap ngayon.

Pero I doubt kung matino tong kausap.

"Hyung.. ano kasi.."

"LINTIK! ANO NGA!"

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Matutulog ako." lalabas na sana sya ng kwarto ko pero muli ko syang tinawag.

"Hyung, alam kong hindi ka sa bahay matutulog at wala kang matutulugan ngayon. So pwede mo ba akong samahan? kailangan ko lang ng makakausap. Dito ka na rin matulog sa condo ko.." inilatag ko na lahat sa kanya kaya sana gumana

"Sanha hwag ako. I'M STRESSED!"

Sabi ko na nga ba.. walang effect. "Sige hyung salamat. Salamat na rin sa paghatid mo kay Buen."

Ilang sandali naman nya akong tinitigan bago napabuntong hininga. At ayun tuluyan ng lumabas.

Isinalpak ko nalang ang katawan ko sa kama. As expected, palaging wala sa mood si hyung. Ang laki kasi ng galit nya sa mundo.

Bigla akong napabangon nung muli syang pumasok sa room at may dala-dalang medicine kit bago tumabi sa akin.

"Anyare sa mukha mo?" tanong nya habang nilalagyan ng kung ano-ano ang cotton.

"Nagsuntukan kami ni Eunwoo." straight to the point kong wika

Napahinto sya saglit saka ako tiningnan ng may pagtataka. Pero agad ding idiniin ng mahina ang hawak nyang cotton sa left cheek ko. "Si Lynn ba?"

Daddy Eunwoo (ASTRO)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora