Prologue

481 23 34
                                    

+ I miss you Binnie <3

Paalala:

Ang storyang ito ay may halong kawalang hiyaan, pagmumura, kabaduyan at kung ano-ano pa..

Bawal mga inosente at pabebe dito..

At sya nga pala...unang-una..mag-sosorry na ako dahil ang innocent ASTRO natin ay mapapasabak sa bakbakan..ehehe di jowk lang :D I mean..magiging mga tambay sa kalye ang kanilang mga ugali at sila'y magiging mga dakilang abnormal! wahaha.. kaya ayun nga.. SORRY :)



--------------------------------------------------


PROLOGUE

"Aba huta! nilapitan mo lang ako tapos nabuntis na kita! anak ng tinapay! ako magiging tatay!?"

"HOY! IKAW NAKABUNTIS SA ANAK KO TAPOS HINDI MO ALAM!? ABA! SINONG GINAGAGO MO!?" sigaw ng Papa ko kay Eunwoo..

"Anak nga ng tinapay.." ngiwi naman nito

"HINDI ANAK NG TINAPAY! GAGO ANAK MO!" sigaw pabalik ng ama ko sa kanya.

"Anak naman! kakabukol palang ng mga melons mo tapos! tyan mo na agad! aba! nung isang taon ka lang nagka-regla, ngayon naman! ano to? after 1 year anak na agad! anak naman!" nag-he-hysterical na rin si Mama ngayon.

"Exag ka naman Ma! last year lang talaga? matagal na kaya!" sigaw ko rin sa kanya.. grabe naman sya

"Ewan ko sa kanya.." sabay turo ni Eunwoo sakin. "Wala akong kinalaman dito.. at hindi ako ang ama ng batang iyan kung buntis nga sya" bumalik sa pagkaka-cold ang mukha nya..

Bigla na lamang kaming nagulat nung itinapat na ni Papa ang mahabang kutsilyo sa kanya. "Papanindigan mo yan o didiretso ka sa langit ngayon?" kalmadong tanong ng Papa ko

"Ah opo! opo!" mabilis nyang sabat.

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now