Chapter 10: Destiny

188 15 288
                                    

Lynn's POV

Huminga ako ng malalim...

"Kalma lang Lynn! kalma lang! hoo!" bulong ko sa sarili ko habang ginagawa kong pamaypay ang aking mga kamay. "Eh ano naman ngayon kung sumasayaw na silang dalawa? sayaw lang naman yan diba? Lynn, naman! kumalma ka nga! tsk!" saka ko penektusan ang sarili ko

Hay ewan!

Wala eh! tumutulo ang mga luha ko.

Sobrang o.a ko naman! first dance lang iniiyakan ko talaga! tsk! ba't kasi ang emo ng nanay ko eh!

Pinahid ko ang mga luha ko saka uminom ng isang basong ice tea. Take note! bottoms up!

"Okay lang yan, Lynn! isipin mo nalang, maski si Buen ang first dance nya, ikaw naman ang naka-una sa kanya. So panalo ka pa rin! tama! yun nga! hoo!" sabi ko ulit sa sarili ko saka huminga na naman ng malalim.

"Ano ba! puta! sumayaw kang mag-isa mo!" napatingin ako kay Jia habang pinapahid ang mga luha ko. Namumula na sya ngayon at hindi ko alam kung dahil ba sa kilig o dahil sa galit kay Mj. Niyayaya kasi syang sumayaw nito.

"Sige ka! lalamukin ka talaga habang buhay kapag hindi ka sumayaw" pananakot naman ng kanyang katabi sa kanya.

"Tsk! umalis ka nga sa harapan ko! ang pangit pangit mo!"

"Tangina! lahat na nga ng pampa-gwapo ginawa ko na! nag-suot na rin ako ng shoe lifters para maging mataas ako tingnan tapos gagaguhin mo lang pala ako!?"

"Isaksak ko pa yan sa baga mo eh!" pagmamatigas pa rin ni Jianne Shelle

"Bahala ka nga jan! hahanap nalang ako ng ibang pwedeng maiisayaw! dengue-hin ka sana! Amazona! che!" bulyaw ni Mj bago tumayo. Mukhang maghahanap nga ng makakapartner sa sayawan. Ayan tuloy, lukot na lukot mukha ni Jia.

"May plantsa ka ba jan? tara plantsahin natin mukha nya."-napangiti naman ako sa sinabi ni Chloe sa akin. Nabasa ata nito isip ko.

"Puta! wag ako!" sigaw ni Jia saming dalawa

Ngumisi nalang kami ni Chloe sa isa't-isa saka nagkibit ng mga balikat.

Sakto namang kakadating lang ni Rocky.. galing restroom ata.

"Nasa'n si M-hyung?" tanong nya kay Eunwoo na ngayon ay kumakain pa rin. Wala ata 'tong kabusugan. Patay gutom nga.

"Naghahanap ng maisasayaw. Gusto mo? kayo nalang ang magpartner?" sagot nito habang punong puno ang bibig.

Akmang hahampasin sana sya ni Rocky ng isang napakalaking bar tray, pero ewan ba't di nya itinuloy. Sa halip ay umupo ito at humarap sa akin dahilan para kumunot ang noo ko. "Sya nga pala Lynn, ire-remind lang kita, malaki na ang babayaran mo sa class fund natin. Hindi ka daw naglilinis kung cleaners ka?"

Huh?

Hanggang dito ba naman sa party? classroom pa rin ang nasa utak nya?

Ano kaya ang magiging kinabukasan ni Chloe sa kanya?

"Ah.. hehe.. hindi kasi ako pwedeng magpagod eh" nasabi ko nalang. Pero mukhang totoo naman ata?

Sya naman ngayon ang napakunot-noo. "Anong ibig mong sabihin?"

Eh? Ano bang idadahilan ko?

"Ahm.. ano kasi---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Chloe. "Minhyuk sayaw tayo!" mabilis nyang sabi.

Whew! buti na lang at si-nave ako ng bespren ko.

Eh?

Agad akong napatingin kay Chloe na ngayon ay pinagmamasdan din pala ni Jia.

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now