Chapter 4: Kubo ni Eunwoo

261 19 81
                                    

Eunwoo's POV

Tanginang life..

Kahit kelan hindi ko pinangarap mag-asawa, magkaanak pa kaya.

Gandang buhay eh.

Bakit nga ba ako nabuhay?

"Here come's the bride! 1 month inside!" pagsalubong samin ni Mj ng kanyang kanta. Mukha naman syang budotz.

Sinalubong din ako ni Gia ng irap at matalim naman ang tingin ni Chloe sakin. Ano bang kasalanan ko sa mga 'to? eh kung tutuusin isang hamak na gwapo lang naman ako

"Anong ginagawa nyo dito?" baling ko sa tatlo.

"Bumili kasi kami ng pandesal sa tindahan ni Moonbin kaya dito namin naisipang tumambay" inip na sagot ni Jia bago sumandal sa silya

Lumipat ako ng tingin kay Moonbin. "Ba't mo sila pinapasok dito?"

"Nakaparada kasi bisekleta ko dun sa talyer ni Mj hyung kaya pinapasok ko nalang sila dito."

At nung mapatingin naman ako sa sahig ay nakita kong nakahilata si Jinjin hyung na para bang walang ibang tao dito.

"Umupo ka, mag-uusap tayo" utos ni Chloe sakin.

"Hindi mo'ko aso" sagot ko sa kanya.

"Uupo ka o sisipain kita palabas" pananakot naman ni Jia.

"Aba! mga pakyu kayo tambayan ko to! ako ang may-ari dito. Layas!"

Bigla naman akong hinila ni Lynn. "Umupo ka nalang kasi!" kaya ayun napaupo ako. Masakit sa pwet sa totoo lang.

"Isa kang tukmol mamatay ka na!" baling ko sa kanya.

"Isa pang mura tutuhugin na kita!"

"Pakyu ka sa earth!" hirit ko pa bago sya tinaasan ng middle finger

"Mga hinayupak! ang iingay nyo!" napatingin ang lahat sa sahig nang maupo si Jinjin hyung

"Tao po.. tao po" ngayon naman ay nasa pintuan na ang attention namin. Wala pang nag-papapasok sa kanya ay pumasok na ito.

"Ay takte! ba't ka na naman nandito!?" sigaw ni Jinjin hyung sa batang babae na mga nasa dose anyos ang edad. Hula ko lang! tumahimik kayo

"Ugok! hindi ikaw ang pinunta ko dito." sigaw naman nito pabalik saka sya tumingin sa gawi ni Moonbin na ngayon ay kumakamot na ng batok.

Bumulong ako sa kanya. "Sinong bubwit yan?"

Napabuntong hininga nito. "Kapatid ni Jinjin hyung at manliligaw ko"

"Manliligaw mo? puta! meron ka pala nun?"

Aba ang gago! child abuse yun ah

Bago pa sya makapagsalitang muli ay lumapit na sa kanya ang batang babae. "Hihi.. Moon moon.. bumili ako ng palaman para sa mga pandesal mo" saka nito inilabas ang isang asul na plastic mula sa kanyang bag.

Matapos ng eksena ay nakakita na lamang kami ng lumilipad na flower vase papunta sa kanya. "Pakyu Riri! umuwi ka na!"

"Gago ka kuya! sinusumpa kita! puta!" sabay kuha nya ng CD rack at hinagis din kay hyung.

"Aba'y tangina! mga gamit ko yan eh!" sigaw ko naman

Hinagisan ako ni hyung ng packing tape. "Oh ayan! itikom mo yang bibig mo." saka sya nagtalukbong ng kumot at muling natulog.

Gagu!

Pinuntahan nung bata si Lynn at hinalikan ito sa pisngi. "Hi Ate Lynn! I miss you!" ako ata ang nandiri..

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now