Chapter 2: Eunwoo

255 22 64
                                    

Lynn's POV

Diretso lang syang nakatingin sakin na para bang walang narinig.

"HOY!" sigaw ko sa kanya. Bingi ba to?

Hindi sya nag-dalawang isip at nilagpasan lang ako. Aba!

"HOY!" sigaw kong muli saka hinawakan ang braso nya. Seryoso syang tumingin sakin saka iwinakli ang kamay ko.

"Ehehe" parang engot tuloy akong tumawa sa harap nya.

Kinuha nya ang hood sa kanyang ulo at tinanggal ang airpods na nakasalpak sa kanyang tenga. "Ano bang kailangan mo?"

Ay anak ng!

Hindi pala nya narinig..

"Sinabi ko na kung anong kailangan ko eh!" nakakainis na naman sya. Ba't ba parati nalang?

At dahil ayokong mag-explain sa pagmumukha nya, agad ko nalang syang hinila.

"Hoy, bangag ka ba? anong ginagawa mo?" angal nya agad pero ang ugok nagpapahila naman.

Nakita kong nakaabang lang sina Mama at Papa sa gate. Kaya pagkarating namin ay syempre itinulak ko si Eunwoo sa harapan ni Papa. "Oh ayan Pa oh! ang tatay ng anak ko"

Agad akong nilingon ng kaklase ko. "Hoy anong kagaguhan ang pinagsasabi mo?"

"Ayan kasi, hindi nakikinig habang nagsasalita ako kanina." inis kong sabi bago sya itinulak muli pero mahina lang. "Makisabay ka nalang"

"Anong makisabay!?" balik nyang bulong sakin pero makikita sa mukha nya ang pagkairita.

"Tsk. Basta! kailangan ko lang talaga ng palusot ngayon. Kaya sabihin mong ikaw ang tatay ng anak ko" sabi ko habang pinandidilatan sya.

"Aba huta! nilapitan mo lang ako tapos nabuntis na kita! anak ng tinapay! ako magiging tatay!?"

"HOY! IKAW ANG NAKABUNTIS SA ANAK KO TAPOS HINDI MO ALAM! ABA! SINONG GINAGAGO MO!?" sigaw ng Papa ko kay Eunwoo..

"Anak nga ng tinapay.." ngiwi naman nito

"HINDI ANAK NG TINAPAY! GAGO ANAK MO!" sigaw pabalik ng ama ko sa kanya.

"Weh? talaga may anak na ako? ba't di ako nainform?"

"Aba'y gago to ah! PANAGUTAN MO ANAK KO!" nanlilisik na ngayon ang mga mata ni Papa

"Ano ba! wala akong kinalaman dito! ni hindi nga kami nagpapansinan ng anak mo tapos mabubuntis ko sya! ano yun magic sa Harry Potter!?"

"Makisama ka nalang kasi" muli kong bulong sa kanya. Ang tigas naman ng ulo nito

"WALA NGA KASI AKONG ANAK!" sigaw nya sa akin

"Wag kang mag-alala libre nalang kitang pandesal bukas hehe" pilit ngiting sabi ko saka nag-byutipul eyes sa kanya

"Anak naman! kakabukol palang ng mga melons mo tapos! tyan mo na agad! aba! nung isang taon ka lang nagka-regla tapos! ano to? after 1 year anak na agad! anak naman!" naghe-hysterical na rin si Mama ngayon.

"Exag ka naman, Ma! last year lang talaga? matagal na kaya!" sigaw ko rin sa kanya. Kung makalast year naman to

"Ewan ko sa kanya." sabay turo ni Eunwoo sakin. "Wala akong kinalaman dito.. at hindi ako ang ama ng batang iyan kung buntis nga sya" bumalik sa pagkaka-cold ang mukha nya

Bigla na lamang kaming nagulat nung itinapat na ni Papa ang mahabang kutsilyo sa kanya. "Papanindigan mo yan o didiretso ka sa langit ngayon?" kalmadong tanong ng Papa ko

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now