Chapter 5: Si Rocky at mga Pandesal

206 19 57
                                    

Lynn's POV

"Ito ang susi. Buksan mo" sabay abot ko ng susi dito sa tikbalang kong kasama.

Napasandal naman sya sa pader. "Nasa sayo na nga diba? ba't mo pa ibibigay sakin? ba't di nalang ikaw ang mag-bukas?"

Nandito kaming dalawa ngayon sa harap ng apartment namin. Dito na ako titira.. kasama 'tong huklubang to.

Tsk.

Wala akong choice eh. Mabuti pa ang ladies choice my choice.. ako nga nga! wala eh!

"Ang gentleman mo naman. Nakakahiya tuloy sayo." sabay ngiwi ko sa kanya. "Hindi mo na nga ako tinulungang bitbitin ang mga gamit ko tapos pati pagbukas ng pintuan eh hindi mo rin magawa. Sarap mong putulan ng ano eh" eto na naman.. nabubwisit na naman ako sa kanya.

Sarap nyang tuhugin sa totoo lang. Pakyu sya.

"For your information, kasama mo lang ako dito sa bahay at hindi mo ako utusan."

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan aba! nauna pa syang pumasok. Wala na akong nagawa kundi ang mapailing nalang. Panigurado hindi kami nito tatagal na magkasama.

At ako, heto bitbit ang iilang mga bag at hatak hatak ang isang malaking maleta.

Sya na! sya na talaga ang gago!

Hwag lang sanang maging pareho ang mukha ng anak ko sa mukha nya! Isinusumpa ko pa naman sya.

Tsk!

Pagpasok ko ay nakita ko syang naka-upo sa couch at patingin tingin lang sa buong bahay.

"Anong problema ng mukha mo?" tanong ko saka ko inilapag ang mga bag kong hatak hatak saka excited na naupo. Ang bigat kasi ng mga dala ko.

"Bakit dito tayo titira? sa totoo lang, mas maliit pa to sa condo ko."

"Huy gago! baka nakakalimutan mo Papa ko ang magbabayad dito kaya wala kang karapatang magreklamo." singhal ko naman at napasandal na din. "Baka gusto mong lumayas?"

Nakakahigh blood sya sa totoo lang.

"Sigurado kang palalayasin mo ako? eh sinong magiging tatay ng anak mo?" balik naman nito sakin

Muli akong napatingin sa kanya at ang gago naka-evil smile na ngayon.

Psh! sinasabi ko na nga ba eh!

"Isa pang blackmail mo matitikman mo na talaga ang bagsik ko"

Itinaas nya ang kanyang middle finger sa harap ko at halos pabulong na sinabing.. "Pakyu"

Talo ako samin ngayon kaya tumayo na ako at muli na namang binitbit ang mga bagahe ko paakyat sa aming kwarto. Tatlong lintang lang naman ng hagdan ang meron tapos pintuan na agad.

Aish! kainis naman!

Bakit ba sa lahat ng taong pwedeng dumaan sa kalsada ba't si Cha Eunwoo pa!

Sya lang naman kasi ang kaklase kong kinaiinisan ko sa lahat!

As in never kaming nagpapansinan kahit magkaklase kami. Eh abnoy yan eh! suplado! basagulero! walang modo! pero yun nga lang seryoso.

Seryoso sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Halatang tamad sya pero ewan, hindi nga ata sya nag-aaral pero kapag exams naman nasa top pa rin sya.

Yun nga lang hindi nya matatalo si Sanha. Palaging top 1 yun eh. Top 2 lang sya.. haha..

Basta! ayoko sa kanya! ayoko sa ugali nya! at ayoko sa pagmumukha nya!

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now