Chapter 14: Dahil kay Jinjin

166 10 158
                                    

Lynn's POV

"Guys kumpleto na ba tayo?" tanong ko sa mga kasama ko.

"SiJinjin hyung nalang ang wala.." baling ni Moonbin sa akin.

"Anong problema nun? ba't wala pa sya?"

"OMG! di kaya tulog pa yun?" balik tanong ni Jia sa tanong ni Chloe

"Hyung! nasaan kana!?" napatingin ang lahat kay Sanha ng marinig itong magsalita. May kausap ata sa cell phone. "Ano!? hyung naman! oh sige sige.. dadaanan ka nalang namin jan.."

Humarap si Eunwoo sa kanya. "Oh ano daw?"

Napakamot naman ito sa batok bago muling nagsalita. "Nandun pa daw sya sa babuyan ni Moonbin."

"Huh!? anong ginagawa nya dun?" chorus naming lahat.

"Ewan? wala sigurong natuluyan kahapon." sagot naman ng kanyang kapatid

Agad na namroblema ang may-ari ng babuyan. "Tsk.. sana ligtas pa yung mga alaga ko dun. I-eexport ko pa naman ang mga yun sa Swaziland." wag kayong mag-alala, nagluluksa pa rin sya hanggang ngayon.

Nandito kami ngayon sa harap ng school. Gagawa na ng nakaka-urat na project ni Ma'am. Hay nako.

Hindi ko nga lang alam kung saang lugar. Hindi din naman sinabi ng tikbalang kong kasama sa bahay. Maaga din kasi akong natulog kagabi kaya hindi ko alam na nag-group call pala sa Skype ang mga hinayupak kong mga groupmates.

Binuksan ni Mj ang pintuan ng van. "Oh sakay na dali! ng mapuntahan na natin sya." 

Agad naman naming sinunod ang kanyang sinabi. Isasara na sana ni Rocky ang sasakyan ng may humarang na kamay sa pintuan kaya muli nya itong binuksan. "Oh Buen?"

"Pasensya na guys if I'm late, akala ko kasi susunduin ako ni Sanha sa bahay kanina" paliwanag nya matapos masara ang pintuan at tumabi kay Pres.

Napatingin ako kay Sanha sa likod na nagbabasa ng libro. Nasa kabilang side naman nya si Moonbin na nakapikit na ang mga mata.

"Ay ano ba yan? ba't  masikip dito? usog nga dun Minhyuk!" reklamo ni Chloe

Ay oo nga pala. Ka-group din namin si Buen. Ba't ko ba sya nakalimutang ilagay sa group members

"Anong problema ni Chloe? eh dalawa lang naman sila ni Rocky ang nakaupo sa likod ng driver's seat?" chismosong tanong ng katabi kong tikbalang

"Nakiki-uso daw sa trending na move on" sagot ko naman

Umayos ng pwesto si Jia na katabi si Mj na syang driver namin. Nilingon nya ang babaeng nasa likuran lang nya. "Ba't di ka dun tumabi sa boyfriend mo sa likod?"

"What? nandito na sya? nasaan?"

Tinuro ko naman si Sanha sa likod ng inuupuan namin kaya mabilis din itong nakisiksikan pumunta sa pakay nya.

Nakita kong napasapo si Rocky sa kanyang mukha nung masampal sya ng backpack ni Buen. Hindi ko lang masigurado kung sinadya ba yun o ano..

"We better go. Pupuntahan pa natin ang walang pakialam nating leader. Baka sobrang init na mamaya pagdating natin sa boat. Ayoko pa namang naiinitan ang skin ko. Gosh" pahayag ni Jia sa katabi nyang diver habang nagpapahid ng lotion sa kanyang balikat.

Tumango si Mj saka pinaandar na ang van na syang pagmamay-ari nya.

"Sanha, ba't di mo ako sinundo sa bahay kanina?" rinig kong tanong ni Buen mula sa likod

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now