Chapter 8: KNIGHT IN SHINNING ARMOR

211 17 120
                                    

Lynn's POV

"Oh ano pretty na ba?" wika ni Chloe matapos maglipstick saka tumingin sakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Almost perfect.."

Umikot ikot naman si Jia sa harap ko habang hawak hawak ang mahabang tela ng gown nyang color purple.  "How 'bout me?"

"Better than prettier.." sa kanya naman ako nagsmile ngayon.

"Naks! ever supportive best friend namarn!" sambit nyang muli bago isinuot ang kanyang white high heels.

"Wait! teka! hindi ba tayo nagmumukhang Disney representatives nito?" pagpigil ni Chloe sa amin bago tumingin sa mga suot namin. "Si Jia nakasuot ng purple. Rapunzel lang ang peg?" panimula nya habang nakataas ang mga kilay bago inilipat ang tingin sa akin. "Ikaw Lynn nakasuot ng yellow. Yung totoo, ikaw ba si Belle sa Beauty and the Beast?" hindi sure na tanong nya bago muling tumingin sa salaming kaharap nya. "And me.. obviously na naka-pink. Am I the ever charming Sleeping Beauty.." this time mukhang naguluhan na talaga sya.

"Hold on! Beauty and the Beast you say? so obviously, Sanha will be the Beast! haha" kunwaring mahinhin na tawa ni Jia na halatang hindi bagay sa kanya

"Hindi si Sanha ang Beast no! pwede pa yung tikbalang na yun! But Sanha.. he's my Prince Charming. Ano ka ba?" agad kong sabat bago umupo sa kama.

Nandito kami ngayong tatlo sa bahay--este mansion nila Chloe. Dito daw kami magbibihis at mag-aayos para dun sa birthday party ni Riri.

Tumabi naman sakin si Chloe. "Amputa mo Lynn. Ano bang pinanggagawa mo? nasaktan ata si Eunwoo."

"Eh bwisit sya eh! peste sya! mamatay na sya! AYOKO KO SA KANYA!" depensa ko

"Bakit sino bang may sabi na gusto mo sya? ang hindi ko lang maintindihan, bakit si Sanha ang pinili mo kahapon eh di ba nga iniiwasan mo yung bugok na yun?" feeling nanay na sabi Jia

"Saka isa pa haler! si Eunwoo kaya ang kasama mo sa iisang bahay. Saka sya din ang umako ng responsibilidad ni Sanha. Tapos konting asaran nyo lang, kung maka-ganti ka naman tuhog na tuhog ang pandesal ni Moonbin. Natamaan na kaya prinsipyo nya" dugtong naman ng isa ko pang nanay.

Puta. Kailan ba nila ako naging anak? 

Kung makaprinsipyo si Chloe akala mo naman meron nun si Rocky.

"Oo na! oo na! babawi na ako sa kanya. Tsk! tama na mga nanay, okay!?" sabay irap ko sa kanila

Tumayo si Chloe at lumuhod sa harap ko. Hindi ko inaasahan ang paghawak nya sa tyan ko dahilan para magulat ako. "Baby, good luck na lang sayo. Wag na wag kang gagaya sa nanay mong takbo lang ang alam gawin, ha?  ayan tuloy kahit anong sitwasyon tinatakbuhan nya." wika nito bago nilingon si Jia. "So sinong partner ni Eunwoo?"

"Hindi daw sya pupunta. Mas gugustuhin nalang daw nyang kumain ng mga pandesal ni Moonbin kesa pumunta sa party." sagot ko naman kaya muli itong napatingala sakin. "Sa katunayan nga.. bago ako umalis ng bahay feel na feel nya ang paglulupasay sa kama. Naglagay pa talaga sya ng note sa mini table na kung pwede wag nalang daw akong umuwi habangbuhay. Tanginang hoodlum yun!" eto na naman.. naiinis na naman ako!

Tsk!

"Hindi ba masikip ang damit mo sa tyan? baka hindi na makahinga si Baby? saka baka masilawan sya nyan! that dang collor yellow is so bright.." mejo o.a naman ata si Chloe. Isa pa magdadalawang buwan pa lang ang tyan ko.

Hugutin ko kaya atay nito? wag na lang pala.. brutal si Rocky

"Sa totoo kasi.. hindi sana ako susuot ng ganito although I like yellow very much. You know I prefer white in this cases" 

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now