chapter fifty four

1.5K 76 41
                                    

Maymay's Point Of View

Battle

" Hey Pretty Girls!! Wake up na jan!! Ready na yung almusal niyo! " sigaw ni Luke sa labas habang nagkakatok katok pa

Tumihaya ako mula sa pagkakadapa ko at nakita ko si Bayb sa tabi ko na naka upo na habang may katext sa selpon niya

" kanina ka pa gising? " tanong ko dito habang umupong bumangon at nagkamot ng mata

" Yes. Nauna pa nga ako kay Luke magising e. " ngiti niyang sagot sakin .

Napatingin kami sa pintuan ng kumatok muli si Luke habang nagsisigaw pa kaya naman sinigawan na siya pabalik ni Bayboree

" ingay ingay eh! " sabay irap niya saka tumingin sakin " By the Way te May, tinext ko na sila Marco about kay Luke. Nung una nagalit siya, but when I explained it. Naging okay na. . "

Napangiti naman ako dahil don. Dito dito nalang daw magkikita sa Unit ko mamaya. Sasakyan daw ni Aizan ang gagamitin. Kasya sa onseng katao

" excited nako mamaya! " sigaw ko mula sa C.R para marinig ni Bayb

" Ako din. Excited nako sa sagupaang mangyayare mamaya! " sigaw niya pabalik. Buang talaga tong babaeng to!

Lumabas na kami ng matapos kong maghilamos. Naabutan naming nasa sala si Luke habang nanunuod ng T.V

" Akala ko di na kayo lalabas e! Nauna na tuloy akong kumain. May Bacon at Itlog jan oh. " sabay turo niya sa kusina

Walang ano ano, pumunta na si Bayb sa kusina habang ako naiwang nakatayo sa sala. Tumayo si Luke saka ako bineso at binati ng magandang umaga

I smiled.

" Goodmorning din. Bat hindi mo na kami hinintay? " tanong ko dito " Ah, kasi uuwi na muna ako sa tinutuluyan ko. Maliligo at kukuha ng gamit. " ngiti niyang sagot saakin

Tumango naman ako sa kanya habang nakangiti

" Ingat ha? " paalala ko dito

" Opo Mama! " sabay gulo niya sa buhok ko. Tamo to! Hindi na nga ako nagsuklay , dinagdagan pa yung gulo ng buhok ko!

Sinigawan na din niya si Bayb sa kusina para magpaalam. Grabe! Pag nagsama tong dalawang to, akala mo mga drum yung boses eh! Sasakit nila sa tenga!

" Uy ikaw ha! Nakita ko yun! " pagpansin sakin ni Bayboree sabay kurot ng mahina habang papaupo ako sa tabi niya

Ano na namang problema ng babaeng to? May Third eye ba? Ang daming nakikita eh!

" May pa beso pa! Nako ha! Kung hindi mo lang talaga ako kaibigan. Iisipin kong may something kayong dalawa.. " dagdag niya sabay panliliit ng mata

" Nah Nabuang man siya! Wala yon. Nasanay nalang kami sa Japan e. Lagi ba namang magkasama. " paliwanag ko sabay kuha ng Bacon at Itlog

Tiningnan lang niya ako habang sumusubo ng tinapay. Minsan sarap din niyang tusukan sa mata

We just talked about random topics like kung gano siya ka excite sa wedding niya, kung anong plano nila sa honeymoon nila , about sa magiging anak nila

" Teka nga. Bat ba puro ako? Kayo ba? Ikaw ba? "

Ano na namang kami ba yan uy?

" Ano? " tanong ko sa kanya. Patuloy lang akong kumakain habang nag aantay ng idadagdag niya

" Plano mo pag nagkita kayo ni Heaven? " tanong niya kaya napatingin ako sa kanya " yayakapin at ibebeso " sabay smile ng malaki sa kanya

" Baliw ka talaga! " natatawang sabi nito

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon