chapter fifty one

1.4K 71 109
                                    

Maymay's Point of View

Jealous

Tulala ako habang sinasabi niya ng mga iyon. Nananatili lang siyang nakayakap saakin . Yung puso ko na kanina pa kumakalabog, ngayon para nang gustong lumabas sa sobrang lakas ng kabog nito. Alam niyo yung feeling na parang nakatigil yung mundo niyo.. yung feeling mong kayo lang dalawa. Yan ang feeling ko ngayon

" Aisht! Pwede ba? mamaya na kayo magyakapan jan! kanina pa nandon yung wedding coordinator namin!. " iritableng sabi ni Marco habang nakapatong yung kamay niya sa bubong ng kotse niya

nagbalik naman yung diwa ko dahil don " E-ehem! " pagpapapansin ko kay Edwardo para naman gumalaw na sya. kala ko nakatulog na e " S-sorry .. " may maliit na ngiting lumitaw sa labi niya

"O-okay lang.. " Sagot ko . Hindi ako makatingin sa kanya ng diretcho dahil feeling ko, namumula ako ngayon. " Ahm.. Marco? pwede bang sunod nalang ako? dadalhin ko nalang yung kotse ko " baling ko kay Marco na nakatingin padin saamin ngayon

" What? No! Sasabay ka na saamin ate May! " sigaw ni Bayb mula sa loob ng sasakyan. Ibinibaba niya yung salamin para marinig ko

Hays! naman eh! kung kelan naman kaylangan ko ng pang unawa ng dalawang to, HINDI PAKO MAPAGBIGYAN!!

hindi na ako nakapagreklamo ng buksan na ni Edward yung pinto ng sasakyan . Pumasok na si Marco kaya naman pumasok nadin ako kahit feeling nakakulong padin ako sa mga bisig ni Edwardo. Charrr!

" Babe! I'm so Excited na! " masayang humarap si Bayb kay Marco ng nag umpisa na siyang mag maneho. Ngumiti lang si Marco sabay hawak ng kamay ni Bayb

habang ako eto, andito sa likod nila.. Kasama ang lalaking nagpapahirap saakin huminga. Ganto ba talaga pag alam mong mahal ka din ng mahal mo? Dati naman kasi, normal pa ako e. Ewan ko nalang ngayon

" Te may! Edward! Okay lang kayo? " tanong saamin ni Marco habang nakatingin sa rear mirror.

Tinatanong pa ba yan? Syempre HINDI ako okay no!

" O-Oo naman! diba Edward? " sagot ko sabay tingin kunwari kay Edward pero agad din itong binawi

Tahimik lang kami ni Edwardo habang nasa byahe. Sa Mall daw ang punta namin e, Dun daw kasi nakikipag kita yung Wedding coordinator nila.

" Babe? " nakatingin lang ako kila Bayb at Marco habang naghaharutan sila ng ganyan

" Yes Babe? " sagot ni Marco " Do you love me? " tanong ni Bayb . Minsan pag inaatake sila ng ganyan, ang sarap nilang pag untugin! kung kelan naman ikakasal saka magkakaganyan

" Ofcourse Babe! I love you so so so Much! " Napairap ako dahil sa sagot ni Marco sabay buntong hininga at padabog na sumandal sa upuan ko habang naka crossed arms pa

" Y-you okay? " pansin na tanong sakin ni Edwardo. Npatingin din yung dalawa saakin kaya naman ngumiti nalang ako sa kanila ng may halong sarkastiko

" Nako! Inggit ka lang no? " biglang tanong ni Marco habang natatawa

Minsan ang sarap din nilang batukan!

" Oo nga! Bat kasi ayaw mo pang mag boyfriend ate May? " napatingin ako bigla kay Bayb ng sabihin niya yon. Si Edwardo naman kitang kita kong nakatingin lang siya saakin na akala mo nag aantay lang ng kung ano

Pinanlakihan ko ng mata si Bayb kaya naman ngumiti lang ng pagkatamis tamis ang babaitang ito.

" Wala pa kasing dumadating. " simpleng sagot ko habang nakatingin sa labas

Minsan iniisip ko kung kaibigan ko pa ba sila o hindi na e. Masyado nila akong pinapatay ngayon!!

" Bakit wala pa? " napatingin ako bigla kay Edwardo

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon