chapter fourty four

1.3K 67 24
                                    

Maymay's Point of View

Blame

Lakad at takbo lang ang ginagawa ko habang hindi parin natigil ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Naririnig ko naring tumutunog iyong selpon ko pero diko ito tinitingnan o sinasagot man lang

Kung san san ako dinala ng mga paa ko makalayo lang sa lugar na iyon. Makalayo sa taong pinagkatiwalaan ko .. Sa taong niloko at sinaktan ako

Hanggang sa makarating ako sa isang kwarto. May lababo ito at maraming pinto kaya alam kong Cr ito. Agad agad akong pumasok sa isang pinto nito at umupo sa inidorong sarado . Doon ko inilabas ang lahat ng nararamdaman ko

Iyak lang Maymay .. Iyak lang ..

Patuloy parin ang pagtunog ng selpon ko kaya naman tiningnan ko na ito kahit na nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luhang patuloy padin sa pag agos

Bayboree is Calling ...

Tinitigan ko lang ito . Hindi ko kasi alam ang gagawin at sasabihin sa kanila. Hindi ko gusto na makita nilang ganto ako ..

Ilang sandali lang tumigil na ito . Mayroon akong 18 Missed Calls. Pito kay Bayboree , Tatlo kay Marco , Lima kay Kisses at Tatlo kay Fenech . Sobrang naguguilty na ako kaya naman ng tumawag na ulit si Bayb ay sinagot ko na ito

" Oh Gosh! thank God! W-where are you? How are you? Ate May!! Asan ka? " hindi ako makapagsalita dahil feeling ko anytime may lalabas na mga hikbi sa bibig ko " We're so Worried ate May.. Where are you? " rinig ko ang boses ni Kisses

" B-bayb.. " mahinang tawag ko sa pangalan niya sabay hikbi. Kaya ayokong magsalita eh!

" Umiiyak ka ba? " pag-alalang tanong nito .

Hindi ko na talaga kayang sarilihin to.. Sobrang sakit na

" P-puntahan niyo ako.. Hindi ko na kaya .. " panghihinang sabi ko dito

" Omg Ate May! ano bang nangyayari sayo? Saglit! asan ka? " magulong tanong ni Bayb. Naririnig ko nadin ang mga boses ng kaibigan ko pero wala na akong maintindihan. " Cr.. Arch Building.. " Ani ko sabay baba ng tawag

Masyado akong naging tanga.  Naging uto-uto dahil naniwala ako agad sa kanila. Ganon na ba talaga? Kapag mabait ka aabusuhin ka nalang bigla?

Gusto kong puntahan si Edwardo at sabihin ang totoo pero bakit pa? Nasaktan ko na siya at lumayo na . Kung pwede ko lang balikan ang nakaraan, gagawin ko.. Pero gusto ko naring kalimutan ang lahat. Kalimutan na nangyari ang lahat ng ito.. Baka sakaling makalimutan ko din ang sakit ng lahat ng ito

Napatigil ako sa pag iyak ng may marinig akong kalabog sa labas at may nagsisigaw ng pangalan ko  " Ate May!!! " boses ni Bayb " Te may! Were here na! asan ka? " si Kisses

Naririnig ko rin ang pagtawag nila Fenech at Rita kaya naman nagsalita na ako " Andito ako.. "

" Ohmygosh! Ate may lumabas ka nga dito! Mukha kang ginahasa ng bakla! " komento ni Bayb habang tulong tulong nila akong nilabas papunta sa may mga lababo

Patuloy parin akong umiiyak " Ate May ano bang nangyayari? " tanong ni Rita habang hawak ang isang kamay ko. Si Bayb at Kisses naman ay nasa tabi ko habang si Fenech ay nasa harap ko

" Pwede ba kaming pumasok? " napatingin kami bigla sa may pinto ng magsalita si Marco . Sumagot naman si Bayb na pwede kaya naman pumasok na sila. Ito ang ayaw ko e. Na makita nila akong ganto ako

Niyakap nila ako isa-isa ng makapasok na sila. Kaya naman medjo nahihimasmasan na ako

" ano ba talagang nangyari? " tanong ni Aizan. Halata mo sa mga mukha nila ang pag-aalala. Kaya naman napabuntong hininga ako. Hindi ko kasi alam kung saan mag uumpisa

Somebody To You √Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt