chapter thirty five

1.5K 77 31
                                    

Maymay's Point Of View

I Miss You & I Love You

Dalawang araw na simula nung mag make over kaming Lima sa Salon ni Laura. Dalawang araw na din kumupas ang kagandahan ko. Katatapos lang din ng klase namin at nagyaya si Laura na tambay daw sa ground at sleepover sa bahay namin. Odba? Close na talaga kami.

Ang Lamig na ng simoy ng hangin ngayon. Malapit nadin kasi ang Pasko kaya ganon. Buti pa si Fenech at Bayb naka Jacket. Eh ako? Sa payat kong to, Ako pa talaga ang walang Jacket!

Kaming Apat palang ang nandito sa Ground. si Kisses daw kasi may kukunin pa sa bahay nila, may nakalimutan daw e. Ganon din si Rita kaya magsasabay nalang daw silang dalawa.

Eto namang si Laura, pakain kain lang ng ubas. Nang maalala ko yung pinag usapan nilang dalawa ni Edwardo nung nasa Shakey's kami!

" Laura.. Ano ba kasing pinag usapan niyo ni Edwardo ?? " Pilit ko sa kanya. Kahapon ko pa siya pinipilit. Pero tanging ngiti lang ang isinasagot niya, minsan naman change topic. Nakakaloka! Manang mana sa kapatid niya e.

" German Language kasi yun Ate May " Ani Bayb habang nakain ng Saging. Habang si Fenech naman ay Chichirya ang kinakain.

" German? " Ulit ko sabay tingin kay Laura. Tumango naman siya habang nakangiti. " So You can't understand it. And It's our secret. Edward might kill me if I'll spill it to you. " sabay kindat niya. Ngumiti nalang ako sa kanya habang tumatango tango. Wala na akong magagawa kung ayaw niyang sabihin..

Masaya naman palang kasama si Laura no? Baliw din kaya nakagaanan ko agad ng Loob

" Oh! no! Wait! My Phone.. I left my phone on our House.  Guys? Can I .. " Tumingin kaming tatlo sa kanya. Tumango nalang kami dahil parang alam na namin yung sasabihin niya. Malapit lang naman ang bahay niya dito kaya okay lang . Tsaka may driver naman kaya safe siya.

Kung di ko mapipilit si Laura. Baka si Edwardo mapipilit ko. Diko siya nakakausap this past two days dahil Buy sila sa kakapractice ng BasketBall. Habang kaming apat na babae naman e nag aaral. Napagdesisyon ko na itext si Edwardo kung nasan siya. Akala ko nga di siya magrereply pero wala pa atang isang minuto, nagreply na siya.

" Heaven's Pad. Why? " Hays. Busy na naman pala siya. Bahala na siya. diko muna siya rereplyan.

" Nakakamiss din pala yung ganto no? Buti nalang naulit . buti nalang nagkaayos ayos tayo.. Thankyou ate may " Napatingin ako kay Fenech. Para saan naman ang thankyou niya?

Edwardo
Hey Moymoy! What? What's your Problem?

Kulit din ng isang to aba!

Me:
Bahala ka jan. Busy ka e. Si Heaven na muna asikasuhin mo.

" Oo nga e. Thankyou sa pag dating. Kung hindi dahil sayo, siguro magulo at di padin kami nagpapansinan ngayon.. " Dagdag ni Bayb .

Pero dahil naguluhan ako, Nagkwento sila. Naloka naman ako dahil magkakaklase pala silang siyam dati pa. High school days, Kaso ung Limang lalaki lang daw ang consistent na magkakaibigan. Dahil bukod sa Varsity, Magkakaparehas pa daw ng ugali. Chickboy, Baliw, Bully at gwapo.

Silang apat naman daw, Si Rita tahimik. Si Fenech daw ganon din daw pero lagi daw presidente sa room nila. Si Kisses daw, Maarte dahil Make up here Make uo there. Natatawa nga ako habang kinukwento yun ni Bayb e. Habang siya ang ganda ganda ng pagkakakwento ng sarili niya. Siya lang daw ang pinakamaganda sa room nila.

Somebody To You √Donde viven las historias. Descúbrelo ahora