chapter fourteen

1.6K 78 21
                                    

Maymay's Point of View 

Christmas Ball Partner

" Okay ka lang ba anak? " nagbalik ang diwa ko ng magsalita si mama

"O-okay naman po ma.. bakit uy? " 

" Eh kasi po kanina pako salita ng salita dito ni hindi mo man lang ako tiningnan o sinasagot " Sagot ni mama habang nagsasandok ng kanin 

Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan ngayon. 

" Ahh wala lang po. Puyat man tas pagod kaayo .. "I insert my nakakapagod pose here.. Charoot! 

"Di nga? Puyat? e sinilip kaya kita kagabi. alas otcho. nakanga-nga ka na. yun ba yung puyat?" Nanlaki ang mga mata ko dahil dun. Paktay nah! paano na ito. hays 

"So ano ngang problema mo? " tanong saakin ni mama 

 nagbuntong hininga ako sabay subo ng pagkain ko. 

" Bawal magbuntong hininga sa harap ng pagkain. tsaka pwede bang kumain ka nang gulay? " 

Nakakainis naman eh! pakakainin na naman ako ng gulay! nakakasuka kaya yon!! huhuhuhu

"Ma.. " tawag ko ng mahina kay mama. Diko alam kung ready na ba akong sabihin o ikwento ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya.. Pero no choice e. Baka mabuang na ako ng tuluyan neto

tumingin si mama sa akin na para bang nag hihintay ng sasabihin ko. Nagbukas sara naman ang aking baba. Diko alam kung pano sisimulan ..

"A-asan po si Ryo? " yun ang natanong ko dahil sa kaba 

" ahh.. tulog na. maaga siyang kumain kanina. pagdating mo kakatulog lang niya .. " 

Tumango tango ako at tumingin na naman sa pagkain ko. Si mama naman ay kumain na ulit.

" May sasabihin ka pa ba?"

"P-po?" gulat kong tanong 

tiningnan lang ako ni mama. Alam ko yang tingin na yan eh! Mama naman eh!! 

"Sigi na nga .. ano kasi ma.. hmm Ano po bang pwedeng gawin para mawala yung feelings? I mean mawala yung pagkagusto? nakakapagod na po kasing labanan ito sa araw araw e.. " ayan nasabi ko na. Hays Gusto ko na talaga tong mawala.. pero paano? kung kaibigan ko siya at nasa iisang circle of friends lang kami?

" Hulaan ko? Si Edward yan no? " 

Tumango ako. " Kasi ma ayokong masaktan..May special girl na siya eh. Pag diko pinigilan to.. baka sa huli magsisi lang ako.. " Naramdaman kong tumayo si mama at niyakap ako habang nakaupo ako

" isipin mo kung anong mas mahalaga sa iyo.. " napatingin ako kay mama

" Mahalaga sa akin? " pag uulit ko 

Tumango siya at umupo sa tabi ko sabay hawak sa kamay ko. 

" isipin mo at pakiramdaman mo ang dapat mong gawin.. wag mo lang itong paiiralin * turo niya sa puso ko * dapat pati ito * turo naman sa utak ko "ngumiti ako sa kanya dahil naintindihan ko na 

Oo. kaylangan kong isipin ng mabuti ang mga desisyon na gagawin ko.. 

"Salamat ma.. " sabay yakap ko sa kanya 

" sus. wala yun. basta naiintindihan mo yung mga sinasabi ko sayo.. andito lang ako para sumupporta okay? " tumango ako 

"sige na. ako na maghuhugas niyan. pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga na.. " 

Somebody To You √Where stories live. Discover now