chapter fourty one

1.9K 80 45
                                    


Maymay's Point Of View 



Mahalin ng Sobra




Habang kayakap mo yung taong mahal mo para  kang nasa alapaap. Yung tipong kayo lang dalawa. Hindi niyo alintana yung mga taong nanonood sa inyo ,  ang mahalaga nasa bisig kayo ng isa't isa at ramdam na ligtas ka 

" Mygad Maymay! " Untag niya habang may mga ngiti sa labi niya sabay kalas ng pag kakayakap saakin.   Halata mo sa boses ni Edwardo na sobrang saya niya. Masaya rin naman ako dahil di ako makapaniwalang andito siya sa harap ko

Nananatili lang akong nakatitig sa mga mata niya. Grabe mga bai! Lumabas yung dimple niya sa sobrang ngiti . Sobrang namiss ko talaga ang lahat ng sa kanya!

Nagbalik yung diwa ko sa kakatitig sa kaniya ng bigla niyang hawakan yung pisngi ko at punasan yung luhang lumalabas sa mata ko. " I know I'm Gwapo so stare whenever you like " nakangiting untag nito. Gusto ko sana siyang hampasin kaso wag nalang, andito sila Mama Ludy baka mapagalitan ako kaya binigyan ko nalang sya nang sarkastikong ngiti kaya natawa naman siya sabay yakap na naman saakin 

" Edward! ang Hokage ng grupo namin! " napakalas siya ng yakap saakin ng isigaw iyon ni Marco. " Kahit kelan talaga babe agaw eksena ka eh! " Sagot sa kaniya pabalik ni Bayboree kaya nagtawanan tuloy yung Pamilya ko pati narin kami. Hay! nakakamiss din pala sila ..

" So .. Are you happy ?" Pwede namang magpakasaya ngayon diba? Tutal sila namang ang nagpunta dito.. Promise ko, habang andito ako, sila sa CDO wala muna akong iisiping problema. 

Tiningnan ko siya habang hawak padin yung dalawang kamay ko . Ngumiti ako at dahan dahang umiling. Kita ko naman na ang bilis magbago ng reaksyon si Edwardo galing sa ngiti sabay lungkot " What!? " tanong niya saakin habang nakakunot ang noo niya saka lumingon kila Marco pero walang hiya yung mga yon, Iniwan na pala kaming dalawa dito sa labas -_- 

" MARCO! VIVOREE! Let's Go WE NEED TO GO HOME NOW! "sigaw niya pero nakahawak padin yung kamay niya sa kamay ko. " Oh! Don't disturb us Bro. Kumakain kami. mag usap nalang muna kayo jan bye! " Napatingin kami kay Marco na nakasilip sa bintana habang sinasabi niya iyon. Di tuloy namin mapigilan ang tawa dahil sa ginawa at sinabi ni Marco 


" PG.. " bulong niya sabay harap saakin. Ako naman tawa padin ng tawa dahil sa mga inaasal ng mga kaibigan ko. Napatigil ako ng mapansin kong nakatitig lang si Edwardo saakin habang nakangiti " so that's the meaning of not Happy huh?.. " komento niya " Oo. di naman talaga ako masaya .. " sagot ko sa kaniya. Ayan na naman yung reaksyon iyang parang iiyak na 

" sus. Di ako masaya kasi sobrang saya ko ngayon " dagdag ko .Nakita ko naman na napangiti siya bigla ng marinig niya iyon . Ayan ha, Nasabi ko na .. Yan naman kasi ang totoo. Sobrang saya ko ngayon dahil nag effort pa talaga sila para puntahan ako 



" Ayan kinikilig ka na naman! " sigaw ko sa kaniya pero siya todo tanggi habang umiling pa pero namumula na yung tenga niya. Nako Edwardo! Wag ako. Sinabi ni Bayb saakin na kapag namumula yang tenga mo kinikilig ka! " No! In your Dreams Maymay! " natatawang sagot niya . Ang gaan pala talaga sa loob kapag wala kang iniisip na problema no?

Sandali pang nagtawanan kami sa labas pero niyaya ko narin siyang pumasok sa loob. Ayaw pa nga daw niya sana dahil gusto niya pa daw akong makasama ng kami lang dalawa. Kire no? Pero dahil sa dalagang Pilipina dapat, Nag pilit na akong pumasok kami sa loob para makakain na siya. 

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon