chapter twenty six

1.3K 69 18
                                    

Maymay's Point of View

We don't talk anymore

" Ang Landi mo pala no? " narinig kong sabi ni Heaven. nakatalikod siya sa akin kaya tumingin tingin ako sa paligid kung may kausap siyang iba. Pero tanging ako lang at siya ang nandito sa ground

" May boyfriend ka na pero nilalandi mo padin si Edward! " nanlaki ang mata ko ng isigaw niya yon at humarap sa akin

" Diba ilang ulit na kitang pinapalayo sa kanya? Ilang sabunot at sigaw pa ba ang gusto mo Maymay!? " unti unti siyang lumalapit sa akin pero nananatili lang ako sa pwesto ko

Wala akong makapang mga salita dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Ganon ba talaga ako? ..

" Napakadesperada mo Maymay! Anong gusto mo lahat ng lalaki sayo? Kaya siguro kinaibigan mo yung Limang lalaki dahil may binabalak ka. Balak mong landi- ARAY! " Di niya natuloy yung sasabihin niya dahil sa sampal ko. Diko na kaya yung sinasabi niya sa akin. Dahil alam ko hindi ako ganon!

" kahit kelan diko nilandi si Edward Heaven. " Mahinahon kong sabi sa kanya habang siya ay nakahawak padin sa pisngi niya . Sinamaan niya ako ng tingin dahil don

" Talaga lang? Kaya pala. Nakita ko yung yakapan niyo kanina! " Nakita niya yung yumakap si Edward sa akin kanina?

" Nakita mo?- "

" Oo kitang kita ko! At kitang kita ko din na masaya ka! Ano bang klaseng babae ka? Di ka ba naaawa kay Tanner!? "  sa sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga masasakit na salita na binibitiwan niya ay tuluyan ng bumuhos ang luha ko

" Inaagaw mo siya sakin Maymay! Inaagaw mo si Ed- "

" Kahit kelan diko siya inagaw sayo! " putol ko sa kanya

" Pero ini-intertain mo kaya lumalapit sayo! " sigaw niya pabalik

" Kaya pala wala na siyang oras para saakin dahil lagi ka niyang kasama! Ayos naman kami nung wala ka eh! Dapat di ka nalang lumipat ng University! " dagdag nito. Nakatingin lang ako dito habang umiiyak at iniisip na sobra na ba yung pakikipag kaibigan ko kila Edward to point na nakakasakit na din ako?

Yumuko si Heaven pagtapos niya ako sigawan. Maya maya narinig ko nalang na sumisinghot siya. Teka... umiiyak ba siya?

" Leave him alone. " nakita ko siyang nagpunas ng luha at tumingin na naman sa mga mata ko na puno ng galit

" He's already mine. May Leukemia ako. Gusto ko siya ang mag aalaga sa akin bago ako mamatay " Parang nagbagsakan ang mga dingding na nakapalibot sa akin ng malaman kong may sakit siya. Nakakalambot.

Di na ako makapagsalita . Tama nga sila.. Pagtapos mong sumaya mapapalitan ito ng kalungkutan

" Starting on Monday. Don't talk to him na. And sana walang makakaalam tungkol sa sakit ko. " Nananatili lang akong tahimik na nakatingin sa kanya. pinipigilan na wag maiyak

" Yun lang. " dagdag niya saka ako nilagpasan para makalabas na sa ground. Habang ako eto nananatili sa pusisyon ko hanggang sa diko na kayang pigilan yung mga luhang gustong gusto nang pumatak kanina pa.

Ito na ba yung Karma ko? Hindi ko naman sinasadya na ma inlove kay Edward e..

Umupo ako sa damuhan habang umiiyak padin. naiisip ko yung mga mali kong nagawa.  Tama si Heaven.. May Boyfriend ako.  Dapat siya lang ang nasa puso ko . 

Buang ko ..


Just You and Me ..


May? Do you like me? .. I like you too hehehe

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon