P R O L O G U E

7.2K 199 18
                                    

Maymay's Point of view


"Oh wala na naman si Barber? Ilang meetings na siyang wala. Mr. Gallo asan si Mr. Barber? " Tanong ng Physics Prof namin.

Tumingin ako sa upuan niya. Apat na beses ko nang nakikita iyon na bakante.

Dalawang Linggo na daw siyang absent sabi ni Yong. Maski tawag daw o Text sa kanila wala daw paramdam.

Masyado na tuloy akong inuusig ng konsensya ko dahil sa ginawa kong di ko naman sinasadya..


Flashback ..

" Hey Maymay.. " Nagulat ako sa taong bumati sakin

"What are you doing here? " tanong niya at umupo sa tabi ko

"Wala. Nagpapahangin lang.. ikaw? " Sagot ko sa kanya ng di man lang siya tinitingnan

" Okay ka lang ba? "

"H-ha? O-oo naman bakit mo naman yan natanong? " Sagot ko sa kanya ng natatawa.. sana effective

"Marydale"

"Hays.. Okay Oo na Hindi na! " nalimutan ko, bestfriend ko nga pala to. So kilalang kilala niya ako

"What's wrong? " Malambing na tanong niya

Nanatili lang akong nakayuko habang pinaglalaruan yung mga damo. Ramdam na ramdam kong nakatitig lang siya sa akin..

Di ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya. Di naman dapat ganto diba? Oo sinadya ko nung una pero nang dumating si Tanner.. Nagbago na ang lahat .

"Maymay" Sabay hawak sa likod ko. sabay naman akong napa straight body at napatingin sa kanya

"Sorry" sabay alis ng kamay niya

"Edward.. Bakit ganon. Kahit ayaw naman nating maramdaman yun pilit padin natin nararamdaman. " Nakayuko padin ako dahil ayokong makita yung mukha niya.. dahil kapag nakita ko iyon baka di ko na siya pakawalan pa ..

" what do you mean maymay? " Tumingin ako sa kanya saglit at nakita ko yung nagwoworry sa mukha niya

" I-I mean. ano.. Hmm Kunware Kaibigan mo yong taong yun. Pero paunti unting nahuhulog ka na sa kanya pero mas mahalaga sa iyo yung prendship kaya pinipigilan mo.. pero nagpupumilit talaga siya eh.. " Mahabang paliwanag ko sa kanya

" Maymay.. Listen okay .. di naman kaylangang pigilan iyon. Kahit ayaw mo kung si God na ang nagtakda, Di mo na mapipigilan iyon.. " paliwanag naman niya habang naka tingin sa malayo

" Ahh okay .. " yan na lamang ang nasagot ko sa kanya .. pagtapos nun.. katakot takot na awkwardness ang bumalot sa aming dalawa ..

" Kahit ako nga diko na mapigilan e.. " pambabasag niya nito .

Napatingi naman ako sa kanya at tumingin din siya sa akin. Ito na naman .. Itong kaba ko na naman .. ang pinaka ayaw kong maramdaman..

Nagulat ako sa kanya ng hawakan niya ang aking dalawang kamay at ngumiti sa akin

" Mahal kita Marydale. Dati pa. Bago pa dumating si Tanner .. Natakot akong sabihin yun kasi baka mawala ka sakin.. natatakot ako na baka lahat ng pinagsamahan natin mawala.. kaya ginusto ko nalang manahimik.. then Tanner Came into your life. Parang gumunaw ang mundo ko alam mo ba yun? Pero Pinili ko nalang na maging masaya para sayo.. Pinili kong supportahan ka para sa ikasasaya mo.. Kaya ngayon, Nakapag isip na ako. Im not scared to say it now that I love you Maymay.. I Love you.. gusto ko ako na mismo ang magpapasaya sayo.. " Nakatawa siya pero may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata

Somebody To You √Where stories live. Discover now