chapter i

37 1 0
                                    



EulycesPOV


"Lahat ng pumasok ngayon, +5 sa final grade. Dismissed," sabi ni Prof. Kalbo at lumabas na.


Wow. So this is your typical college setting. Ang mahal-mahal ng tuition dito tapos ang lupit ng grading system nitong mga 'to? Just wow. Wala akong masabi. Hands up. Kung kailan graduating na ako tsaka wala akong natututunan.


I sound like geeky student that wants to make aral-aral all the way, ha.


"Hoy, ilista mo ko d'yan sa attendance," sabi ko dito sa pabidang secretary at kinuha na ang bag ko para lumabas.


"Eulyces! Eulyces, wait!"


Lumingon ako, and oh. Sana pala hindi na lang ako lumingon. Nandito na naman yung pumepeste sa 'kin since year 3.


"Sabay na tayo mag-lunch!" sabi niya at umangkla sa braso ko. For pete's sake, she's too clingy!


"Hell no, Ruth, may kasabay na ako and that isn't you," mataray na sabi ko at marahas na tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Pero darn, she's too persistent!


"Eulyces naman, alam kong ang kasabay mo na naman ay yung kambal na patay na patay sa'yo. Sama naman ako!" sabi niya at patuloy pa akong pineste.


So, mga 5 minutes kaming ganito hanggang sa hinayaan ko na lang siyang sumama. What can I do? Ayaw ko na ngang may dumagdag pa sa circle of friends ko.


"Ann!" narinig kong tawag ni Pelisson pagkadating namin sa cafeteria. Yes, napunta na rin ako dito like any normal college student. Nakita kong naka-busangot naman si Jacob nang makitang kasama ko ulit si Ruth.


"Hi bebe Jacob!" bati ni Ruth kaya mas lalong sumimangot si Jacob. Haha! Such a cutie! Buti na lang pala dinala ko 'to. You see, this girl right here, Ruth, is head over heels sa consistent ambassador ng college namin, at walang tigil na pinepeste niya si Jacob tulad nang pagpepeste niya sa akin.


"RD, please, tsaka lang ako magkakagusto sa'yo kapag naging kamukha mo na si Ann-"


"Hoy, gago ka! E, ano kung magkamukha kami? Yung ugali naman namin ibang-iba!" sigaw ko agad at tinulak-tulak si Ruth.


"Hay nako, bebe Jacob. Ang basic naman pala n'yan, eh! Sige, magiging magkamukha kami ni Eulyces, hehe," sabi ni Ruth at umangkla na naman sa braso ko. Ang creepy talaga nitong babaeng 'to, ha!


She's Ruth Dianese Alegre. She's cute, but I'm cuter. She looks like a little girl because of her flat 5 height. She wears thick-rimmed glasses and braces that makes her look like a nerd, but seriously, she's a wacko! She can't even answer a simple algebra equation and that makes me wonder paano siya nakaabot ng senior year.


She has an obsession, oops, sorry for the word, for Jacob, Jacob, and Jacob. Malay ko ba kung anong nagustuhan nito kay Jacob. Well, atleast hindi si Pelisson.

the suicide murders [ON-HOLD]Where stories live. Discover now