chapter 8

21 1 0
                                    



59 hours until Sirens Night...


Aedrille's POV


Staring at these four neat walls of our room makes me cringe. But what irritates me more is that, kaming dalawa lang ni Averyl ang natira dito. Kami lang ang may vacant ng 10AM and it sucks.


"Hay nako, ang init init!"


Gago ba 'to? Malamang mainit e nasa may bintana siya. Ni hindi nga nakabukas yung aircon, eh.


"Mas umiinit kapag nandito ka. Umalis ka na nga," angil ko sa kanya at agad niya naman akong sinamaan ng tingin.


"Bakit? Kasi alam mong mas hot ako sa'yo?" nakangising sambit niya na ginantihan ko rin ng ngisi.


"Nope. Kamukha mo kasi yung walang kwentang asawa ni Satanas," ganti ko and in a snap, tinapunan niya ako ng kape! Yes, kape! "Alam mo, ang tagal ko nang nagtitimpi sa'yo, eh! Ano bang problema mo?! Nananadya ka ba?! Tapatin mo nga ako!"


Okay, triggered si ako. I swear to God, siguro pulang-pula na ang mukha ko sa galit ngayon!


"Wala, baka ikaw meron,"


"Eh tarantado ka pala, eh! Tatapunan mo ako ng kape, ni isang 'sorry', wala?!"


Ngumiti na naman siya at ngumisi. Gustong-gusto ko na burahin 'yang nakakairitang ngisi na 'yan sa mukha niya!


"Minura kita? Umasta ka nga ng ayos,"


Wow, ano, wala na ba siyang mairebat? Gumaganti na lang sa kung anong sinasabi ko? Hah! Nakakatawa naman pala!


"Maayos? Baka ikaw ang mag-ayos! Halata kasi sa muka mo 'yang pagiging insecure mo sa 'kin," and now it's my time to smirk.


"Insecure? Nah. Bakit ako maiinsecure sa isang taong pinilit ang mga members para gawin siyamg leader-"


"Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga ba at iyan pa rin ang pinuputok ng butsi mo! Itong posisyon na 'to? Wala lang naman 'to sa 'kin, eh! Gusto mo? Edi sa'yo na! Tutal makasarili ka naman, diba?"


Hah! Sinasabi ko na nga ba. Kaya naman pala simula una pa lang, hindi na kami magkasundo nitong hambog na 'to, eh!


"Ganon? Naging leader ka lang, feeling mo, napakataas mo na? Presidente ka? May ari ka ng buong mundo? Eh hindi ka naman pala ma-reach!"


Sasagot na sana ako nang marinig kong bumukas ang pintuan at nagsipasok ang ka-myembro namin.


"We're back! Bwisit na media literacy 'yan, pahirap sa buhay! Daming pa-project! Mga kagrupo ko, walang kwenta!" sabi ni Irish pagkapasok niya at sumalampak sa upuan.

the suicide murders [ON-HOLD]Where stories live. Discover now