chapter 20: the epilogue

33 1 0
                                    



EulycesPOV


Makalipas ang tatlong buwan


Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang lumipas. Tatlong buwan na simula noong pangalawa kong Sirens Night. Tatlong buwan na akong nag-aaral ng mabuti pero wala pa ring nangyayaring maganda sa pagiging buhay estudyante ko.


"May you always be blessed," sambit ko at inilapag sa puntod ni Aedrine at Aedrille ang bouquet ng sunflowers and tulips. Favorite ni Aedrine ang sunflowers samantalang naikwento niya naman dati na favorite ni Aedrille ang tulips. Every month ay naglalagay ako sa kanila ng bulaklak, maybe para hindi nila ako multuhin, joke. But kidding aside, I miss being pested by someone I don't actually hate.


"Still not done?" napatingin ako sa kanya at umiling.


"Tapos na, Mr. Grouch. Lettuce go?" sabi ko at ngumiti. A genuine one. Ngumiti rin siya at saka umakbay sa 'kin. What we have is not even real. Yes, we were arranged into a marriage, yet we're too young to be serious.


Yes, I'm talking about Pelisson.


Magkasama kami ngayon. My Mama and Papa said we should hang more often, same goes for what his parents said to him. I mean, we already promised each other that we wouldn't fall in love, and I know we won't. Tatlong buwan na nga ang nakalipas, pero I'm still confused.


"For you,"


Napatingin ako sa hawak ni Pelisson.


"Why?" nakangiting sambit ko. Naging magkaibigan din kami. Pero ang hindi ko lang maintindihan, mas madalas akong napapangiti kapag kasama ko siya.


"It's February 14th, bird-brain,"


Agad naman napalitan ng simangot ang ngiti ko, "Bird-brain? Kaya pala nag-top 3," sabi ko naman at inirapan siya. Pero dahil may sweet bone rin 'tong lalaking 'to sa katawan, niyakap niya na naman ako sa likod.


"Uy, you're blushing," sabi niya at kiniliti pa ako ng gago.


"Shut up! It's too hot!"


"I'm too hot?"


"Ugh!"


And I can't believe that I'm losing every petty argument we are having because of his lines. Seriously, saan niya ba hinuhugot lahat ng kapal ng mukha?


Napatigil na lang kami ng may tumawag sa phone niya. Agad niya naman itong kinuha at sinagot.


Hindi ko muna siya pinakialaman at nawala na naman sa sarili kong mundo. Ako na lang mag-isa sa kwarto ko. Ako na lang palagi ang nagf-full blast ng speaker. Wala na akong nakakairitang room mate. Wala na rin akong babaeng makausap. Naiisip ko tuloy kung pinanganak ba akong mag-isa.

the suicide murders [ON-HOLD]Where stories live. Discover now